Ryan Cayabyab, nakiisa sa flash mob na mga 'Kakampink' na theater artists
- Isa rin ang national artist for music na si Ryan Cayabyab sa mga nakiisa sa flash mob ng mga 'Kakampink'
- Kasama niya ang mga batikang musicians at theater artist sa bansa
- Nagtungo sila sa ilang mga publikong lugar partikular na ang mayroong piano kung saan si 'Mr. C' mismo ang tumutugtog
- Kamakailan, napabalita din na maging sina Jaime Fabregas at John Arcilla ay nakiisa sa mga flash mob na nagpapakita ng suporta kay VP Leni Robredo
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Maging ang national artist for music na si Ryan Cayabyab ay nakiisa rin sa mga flash mob ng Kakampink bilang pagsuporta sa kandidatura ni VP Leni Robredo sa pagka-pangulo ng bansa sa darating na Halalan.
Nalaman ng KAMI na si "Mr. C" ay tumutugtog ng piano sa mga malls bilang bahagi ng nasabing flash mob.
Ilan sa mga huling ganap na ginawa nila ay sa Rockwell Powerplant mall sa Makati City at Market Market sa Taguig noong Mayo 6, ilang araw bago ang eleksyon.
Tinugtog niya ang 'Rosas' na isa sa mga awiting naisulat ni Nica Del Rosario para sa kampanya ni VP Leni.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Matapos ito, inawit din nila ang 'Handog ng Pilipino sa mundo' ni Jum Paredes na kasama rin sa flash mob. Bahagya nilang binago ang ilang titik ng awit para umakma sa okasyon.
Narito ang kabuuan ng kanilang mga naging pagtitipon na ibinahagi ng isa ring batikang singer na at theater actor na si Audie Gemora:
Isa lamang si Ryan Cayabyab at ang grupo ng mga theater actor at actress sa mga volunteer performers at supporters ng "Leni Robredo-Kiko Pangilinan tandem" at ng mga senatoriables ng 'Tropang Angat."
Unang nagpakita ng suporta sa mga Kakampink si Ely Buendia ng dating Eraserheads, Rivermaya, Ebe Dancel ng dating Sugarfree, Itchyworms, Dicta Licens, Kean Cipriano ng Callalily.
Parami rin ng parami umano ang mga celebrities na sumusuporta kay VP Leni tulad nina Jolina Magdangal, Julia Barretto, Cherrie Pie Picache at Edu Manzano, Pokwang at marami pang iba.
Samanatala, binisita rin ng grupo ni VP Leni ang Palawan kung saan napaindak pa ito sa Occidental Mindoro kasama ang mga 'Youth for Leni' at nagsayaw ng Mangyan traditional dance.
Sa pinakhuling araw naman ng kampanya, pumalo sa 780,000 ang bilang ng mga umano'y dumalo sa Makati Miting de Avance ng 'Leni-Kiko tandem' at ng Tropang Angat na dinaluhan ng mga malalaking pangalan sa industriya ng showbiz.
Source: KAMI.com.gh