Mayor Isko, nagpakita ng resibo; ibinida ang Tondominium One

Mayor Isko, nagpakita ng resibo; ibinida ang Tondominium One

- Ibinida ni Mayor Isko Moreno ang itsura ng bawat unit ng housing project niyang Tondominium

- Ipinakita niya ito bilang resibo ng mga nagawa niya para sa Lungsod ng Maynila

- Sa kanyang Facebook page, makikita ang detalye ng kinalabasan ng kanilang housing project

- Isa lamang umano ito sa mga resibo ng accomplishment umano ni Mayor Isko sa kanyang termino bilang alkalde

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ibinida ni Mayor Isko Moreno ang kinalabasan ng isa sa mga housing project nila sa Lungsod ng Maynila, ang Tondominium One.

Mayor Isko, nagpakita ng resibo; ibinida ang Tondominium One
Mayor Isko, nagpakita ng resibo; ibinida ang Tondominium One (Isko Moreno Domagoso)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na ibinahagi mismo ni Mayor Isko ang itsura ng bawat unit ng Tondominium One na mukha talaga umanong isang condominium.

Idinetalye rin niya ang mga amenities ng gusali na isa lamang sa mga housing projects ng Lungsod ng Maynila

Read also

Mayor Isko sa kaarawan ni VP Leni: "I know she is in good places"

Sa naturang gusali, meron ding Day care center, Playground, Livelihood center, Parking slots, Maintenance room at City satelite office.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Mayroon namang 2 kwarto sa kada unit kaya naman swak ito sa isang pamilyang Manilenyo.

Mapapansin din sa post ni Mayor Isko ang mga hashtag na #ResiboNiIsko at #ISKOmplishment.

Narito ang kabuuan ng kanyang post:

Si Francisco "Isko" Moreno Domagoso ay isa sa mga sikat na aktor sa Pilipinas. Siya na ngayon ang ika-27 na naging alkalde ng Lungsod ng Maynila. Kilala siya sa tawag na 'Yorme' ng kanyang mga tagasuporta sa kanilang lungsod.

Ginanap ang pag-anunsyo ni Mayor Isko ang kanyang pagkandidato bilang pangulo ng Pilipinas sa Baseco compound sa Tondo, Maynila noong Setyembre 22, 2021.

Oktubre 4, 2021 naman ng sabay na maghain ng kanilang certificate of candidacy si Mayor Isko gayundin ang kanyang running mate sa pagka-bise Pangulo na si Doc Willie Ong.

Read also

VP Leni, ibinahagi ang listahan ng performers na mapapanood sa kanyang birthday rally

Ilang araw matapos na mag-file noon ng candidacy ay umugong na agad ang 'Withdraw Isko' at hiniling ng ilan na tumakbo na lamang ito bilang bise presidente.

Agad naman itong sinangga ng presidential candidate at sinabing karapatan pa rin niya ang tumakbo sa posisyong nais niyang magampanan.

Kamakailan, naging usap-usapan naman ang kanilang joint press conference kasama ang iba pang mga presidential candidates na sina Senator Ping Lacson, Secretary Norberto Gonzales at maging si Senator Manny Pacquiao. Ipinahayag nilang tuloy pa rin ang kanilang kampanya sa kabila ng umano'y nag-uudyok sa kanila na itigil na umurong na sa kanilang kandidatura.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica