Mayor Isko sa kaarawan ni VP Leni: "I know she is in good places"
- Nagbigay ng mensahe si Mayor Isko Moreno para sa kaarawan ni Vice President Leni Robredo
- Ginamit niya ang linyang ginamit ng bise presidente sa pagbati sa aktres na si Kim Chui
- Matatandaang naging kontrobersyal ang naging pahayag ni Mayor Isko kamakailan nang manawagan ito ng 'withdraw Leni' sa joint conference nila ng iba pang mga presidentiables
- Mariin naman itong itinanggi ni Senator Ping Lacson at sinabing wala umano sa napagkasunduan nila ang pagpapa-atras sa kandidatura ni VP Leni
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Nagbigay ng mensahe si Mayor Isko Moreno para sa 57th birthday ni Vice President Leni Robredo ngayong Abril 23.
Nalaman ng KAMI na ginamit umano ni Mayor Isko ang naging pahayag ni VP Leni nang batiin naman niya ang aktres na si Kim Chiu para sa kaarawan nito.
“I wish her all the best. I know she is in good places,” ayon sa naging pahayag niya sa ulat ng PTV na ibinahagi naman ng Balita.net.
Naging agaw-pansin sa social media ang katagang ito gayung inakala ng marami na ang kahulugan nito ay tila sumakabilang buhay na.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Depensa naman ng marami, isa itong idiomatic expression na ang kahulugan umano ay "someone is confident, at content. Being in a good place means one’s mental state is at peace."
Naibahagi naman ito ni Miss Trans Global Mela Habijan sa kanyang facebook post.
Matatandaang naging kontrobersyal kamakailan ang 'withdraw Leni' na umano'y panawagan ni Mayor Isko sa kandidatura ni VP Leni.
Mariin naman itong itinanggi ni Senator Ping Lacson at wala umano sa kanilang napagkasunduan kasama ang iba pang presidentiables na sina Secretary Norberto Gonzales at Senator Manny Pacquio. Nais lamang nilang ipahayag noon na tuloy ang kanilang kandidatura sa kabila ng ilang mungkahi sa kanila na umatras.
Si Francisco "Isko" Moreno Domagoso ay isa sa mga sikat na aktor sa Pilipinas. Siya na ngayon ang ika-27 na naging alkalde ng Lungsod ng Maynila. Kilala siya sa tawag na 'Yorme' ng kanyang mga tagasuporta sa kanilang lungsod.
Ginanap ang pag-anunsyo ni Mayor Isko ang kanyang pagkandidato bilang pangulo ng Pilipinas sa Baseco compound sa Tondo, Maynila noong Setyembre 22, 2021.
Oktubre 4, 2021 naman ng sabay na maghain ng kanilang certificate of candidacy si Mayor Isko gayundin ang kanyang running mate sa pagka-bise Pangulo na si Doc Willie Ong.
Ilang araw matapos na mag-file noon ng candidacy ay umugong na agad ang 'Withdraw Isko' at hiniling ng ilan na tumakbo na lamang ito bilang bise presidente.
Agad naman itong sinangga ng presidential candidate at sinabing karapatan pa rin niya ang tumakbo sa posisyong nais niyang magampanan.
Source: KAMI.com.gh