UniTeam Festival Rally, dinaluhan ng nasa 300,000 katao ayon sa pulisya
- Pumalo sa 300,000 ang umano'y dumalo sa UniTeam Festival Rally sa Cabu City nitong Lunes, Abril 18
- Ayon sa pulisya sa lugar, daan-daang libong 'BBM-Sara supporters' ang dumumog sa lugar
- Kasama ng UniTeam ang ilang kilalang personalidad na lalo umanong nagpasaya sa nasabing pagtitipon
- Ilan sa mga ito ay sina Toni Gonzaga, Andree E, DJ Loonyo, Bugoy Drilon, Daryl Ong, Mark Herras, Bayani Agbayani, Rodjun Cruz, at mga banda Aegis, Shamrock at Hale
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Dinumog ng nasa 300,000 'BBM-Sara supporters ang UniTeam Festival Rally na ginanap sa Citi Madre, Filinvest Ground, SRP COastal Road Cebu City, Abril 18.
Nalaman ng KAMI na ang nasabing crowd estimate ay mula sa pulisya ng nasabing lugar na sinegundahan umano ni Cebu Gov. Gwen Garcia.
"This is a 30-hectare lot and it’s full. Even if you were to give one square meter for every person, you do the math - one hectare is 10,000, this is 30 hectare. So in other words there are at least 300,000 persons," pahayag ni Garcia sa Philippine Star.
Dinaluhan din nito ng ilang mga kilalang personalidad tulad nina Toni Gonzaga, Andree E, DJ Loonyo, Bugoy Drilon, Daryl Ong, Mark Herras, Bayani Agbayani, Rodjun Cruz, at mga banda Aegis, Shamrock at Hale.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Narito ang video na kuha sa nasabing pagtitipon mula sa The Freeman:
Si Ferdinand "Bongbong" Romualdez Marcos Jr. o kilala rin sa kanyang initials na BBM ay isang Filipino politician na nagserbisyo sa bansa bilang senador mula 2010 hanggang 2016. Siya ang pangalawang anak ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. at dating First Lady Imelda Romualdez Marcos.
Pebrero 8 nang ganapin ang proclamation rally ng UniTeam nina BBM at Mayor Sara Duterte sa Philippine Arena.
Kamakailan, nag-viral ang video ng mga supporters ng Bongbong Marcos-Sara Duterte tandem kung saan maririnig silang humihiyaw ng "Hindi kami bayad."
Kuha ito sa Talavera, Nueva Ecija na pinuntahan umano ng 'UniTeam' noong Marso 15.
Paulit-ulit na isinisigaw ng mga supporters na hindi sila bayad, taliwas sa kumakalat na espekulasyon na may kanya-kanya di'umanong hakot ang sinumang mga kandidato.
Sinagot naman ito ng Presidential candidate Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr.
"Ang mga tagasuporta ng UniTeam ay naniniwala sa unity, hindi sila bayad."
Source: KAMI.com.gh