Senator Ping Lacson, nilinaw na si Mayor Isko Moreno lang ang nagsabing "withdraw Leni"

Senator Ping Lacson, nilinaw na si Mayor Isko Moreno lang ang nagsabing "withdraw Leni"

- Nilinaw ni Senator Ping Lacson na tanging si Mayor Isko Moreno lang ang nagsabing "withdraw Leni"

- Ito ay nabanggit ng alkalde sa joint press conference nila nina Lacson, Secretary Norberto Gonzales at ni Senator Manny Pacquiao na hindi nakadalo

- Ayon pa kay Lacson ang nasabing press con ay para matuldukan na ang haka-hakang maya aatras sa kanilang kandidatura

- Isa rin sa mga nabanggit niya ang umano'y kumakausap sa kanila na umatras sa kandidatura gayung dalawa lamang umano ang talagang naglalaban sa pagka-presidente ng bansa

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Binigyang linaw ni Senator Ping Lacson ang naging nabanggit na pahayag ni Mayor Isko Moreno na "withdraw Leni."

Senator Ping Lacson, nilinaw na si Mayor Isko Moreno lang ang nagsabing "withdraw Leni"
Photo: Senator Ping Lacson
Source: Facebook

Nabanggit ito ng alkalde ng Maynila sa ginanap na joint press conference nila nina Lacson ngayong Abril 17. Kasama rin nila sina Secretary Norberto Gonzales at si Senator Manny Pacquiao na hindi na nakadalo

Read also

Ka Leody, 'chill' lang sa South Cotabato; dedma sa joint presscon ng kapwa presidentiables

Nalaman ng KAMI na nagpaunlak na sumagot ng ilang katanungan pa ng media si Lacson kasama si ang kanyang running mate na si Senator Tito Sotto.

Isa sa mga naitanong sa kanya ay ang kumpirmasyon kung si Moreno lamang ang may ideya ng 'withdraw Leni.'

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Sinabi naman niya 'yun, siya lang," diretsahang sagot ni Senator Lacson.

Samantala, sa nasabing joint press con din nabanggit ni Lacson ang umano'y pagkumbinsi sa kanila umano ng kampo ng isang presidentiable na umatras na gayung tila dalawa na lamang ang naglalaban sa kanilang posisyon.

Aniya, ang naturang press con ay napagdesisyunan nilang gawin upang matigil na ang mga haka-hakang titigil na sila sa pangangampanya at aatras sa kandidatura.

Narito ang kabuuan ng pahayag ni Senator Lacson na mula sa Rappler:

Read also

Norberto Gonzales, tuloy ang kandidatura sa kabila ng umano'y nagsasabing umatras na sila

Si Senator Panfilo 'Ping' Lacson Sr. ay isa sa sampung presidential candidate sa darating na eleksyon ngayong Mayo 9.

Sa interview sa kanya ni Boy Abunda, sinabi niyang siya ang 'most qualified', 'most competent' at 'most experienced' sa lahat ng mga kandidato kaya naman nararapat lang na siya ang iboto ng taumbayan.

Nang tanungin naman siya ukol sa naging komento sa kanya ni Vice President Leni Robredo na hindi umano ito 'on the ground' sa trabaho, sinagot niya ito na hindi umano siya ma-epal

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica