Ka Leody, 'chill' lang sa South Cotabato; dedma sa joint presscon ng kapwa presidentiables

Ka Leody, 'chill' lang sa South Cotabato; dedma sa joint presscon ng kapwa presidentiables

- Tila dedma lang umano si Ka Leody De Guzman sa joint press conference ng apat na kapwa niya presidentiables

- Nasa South Cotabato si Ka Leody sa pagpapatuloy ng kanyang kampanya kasama ang running mate niya na si Walden Bello

- Ipinakita niyang kumakain lang siya ng 'halo-halo' na nilarawan niyang hindi sing mahal ng nasa The Peninsula

- Ang The Peninsula ng naging venue ng nasabing presscon nina Mayor Isko Moreno, Senator Ping Lacson, Sec. Norberto Gonzales na dadaluhan din sana ni Senator Manny Pacquiao

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Tila dedma lang umano si Ka Leody De Guzman sa katatapos lamang na joint press conference ng apat na kapwa niya presidentiables sa The Peninsula Manila ngayong Abril 17.

Ka Leody, 'chill' lang sa South Cotabato; dedma sa joint presscon ng kapwa presidentiables
Ka Leody, 'chill' lang sa South Cotabato; dedma sa joint presscon ng kapwa presidentiables (Photo: @LeodyManggagawa)
Source: Twitter

Nalaman ng KAMI na kasalukuyang nasa South Cotabato si Ka Leody sa pagpapatuloy ng kanyang kampanya matapos ang Mahal na Araw.

Read also

Norberto Gonzales, tuloy ang kandidatura sa kabila ng umano'y nagsasabing umatras na sila

Sa kanyang Twitter post, makikita si Ka Leody na tila ine-enjoy lamang ang kanyang Halo-halo.

"Masarap ang halohalo dito sa South Cotabato pero di singmahal nung halohalo sa Manila Pen. Ano bang kaguluhan dun ngayon?"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kasama rin ni Ka Leody ang kanyang running mate na si Walden Bello.

Sa nasabing joint press conference, nagkasundo ang apat na presidentiables na sina Mayor Isko Moreno, Senator Ping Lacson, Sec. Norberto Gonzales at Senator Manny Pacquiao na ituloy ang kanilang kandidatura sa pagka-pangulo sa kabila ng umano ng pag-uudyok sa kanila na umatras sa pagkandidato.

Hindi man pisikal na nakadalo si Pacquiao subalit kasama ang pangalan niya sa nasabing kasunduan.

Isa si Labor leader Ka Leody De Guzman sa mga tumatakbo sa pagka-pangulo ng bansa sa darating na Halalan sa Mayo ngayong taon.

Read also

Isko Moreno, naatasang basahin ang joint statement ng ilan pang presidentiables

Bukod kina Senator Manny Pacquiao, Senator Panfilo Lacson, Manila Mayor Isko Moreno, dating senador Bongbong Marcos, at Vice President Leni Robredo, ilan pa sa mga naghain ng kanilang kandidatura ay sina Ernie Abella, Norberto Gonzales, Faisal Mangondato at Jose Montemayor Jr.

Matatandaang noong Enero, unang ginanap ang presidential interviews ni Jessica Soho kung saan limang matutunog na pangalan ng mga tumatakbong Presidente ng bansa ang naimbitahan. Naging kontrobersyal ito dahil sa umano'y hindi pagdalo ni presidential candidate Bongbong Marcos na dumalo naman sa sumunod na interview ni Asia's King of Talks, Boy Abunda.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica