VP Leni sa mga 'fake news' : "Magsisinungaling may maisulat lang"

VP Leni sa mga 'fake news' : "Magsisinungaling may maisulat lang"

- Naglabas ng saloobin si Vice President Leni Robredo ukol sa mga taong ang trabaho ay maghanap ng mali

- Aniya, mas katanggap-tanggap kung may mali talagang nagawa

- Subalit ang ilan, humahantong sa pagsisinungaling para lang may maisulat

- Nahahalata umano na ang gawain ng mga taong ito ay magpakalat ng 'fake news'

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Naglabas ng saloobin si Vice President Leni Robredo kaugnay sa mga umano'y nagpapakalat ng fake news.

VP Leni sa mga ang trabaho ay maghanap ng mali: "Magsisinungaling may maisulat lang"
VP Leni sa mga ang trabaho ay maghanap ng mali: "Magsisinungaling may maisulat lang" (ABS-CBN News)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na isang halimbawa niya ay ang kumalat na video kung saan pinalabas 'di umano ng edited video na hindi nasabi ni VP Leni ang pamagat ng paborito niyang libro.

Pinalabas na hindi umano nasagot ng tama ni VP Leni ang tanong na 'What is your favorite book' gayung na-edit umano ang bahaging binanggit niya ang title nito na "To kill a Mockingbird" at ang nasabi na lamang niya sa video ay ang dahilan kung bakit niya ito paborito at ano ang naging kahalagahan nito sa kanyang buhay.

Read also

VP Leni sa isang restaurant matapos ang 2nd presidential debate, viral

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Nahahalata na meron talaga na ang trabaho ay maghanap ng deperensya. Okay naman sana kung talagang deperensya, pero ito talaga magsisinungaling para may maisulat lang,"
"Eto yung nakakalungkot dito kasi kung may mali kang nasabi okay naman 'yun e. Pero halimbawa 'yung favorite book, obviously fake news. Kasi sinabi ko naman talaga 'yung title ng book, pero ano lang, wala lang"

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa ABS-CBN News:

Si Leni Robredo ay ang kasalukuyang Bise Presidente ng Pilipinas. Siya ay ang misis ng namayapa na si Jesse Robredo at nabiyayaan sila ng tatlong anak na babae na sina Aika, Tricia, at Jillian.

Oktubre 7 noong nakaraang taon nang inanunsyo ni Robredo ang kanyang pagtakbo bilang Pangulo ng Pilipinas sa darating na eleksyon sa Mayo ngayong 2022. Si Senator Kiko Pangilinan naman ang kanyang running mate na tatakbo bilang bise presidente.

Read also

Xian Gaza, sa babaeng kasama ni Joshua Garcia: "Joshua ba't kamukha ko siya"

Isa lamang si Robredo sa siyam na nagpaunlak sa 'The 2nd Presidential Debate' noong Abril 3. Muling hindi dumalo si dating senador Bongbong Marcos kaya nanatiling bakante ang podium na inilaan sa kanya.

Sa kanyang closing statement sa nasabing debate, binigyang diin niya ang 'liwanag at pag-asa' sakaling siya ang palaring maging susunod na pangulo ng Pilipinas.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica