Raffy Tulfo, inaming minsan nang nademanda dala ng pagiging isang media man
- Naikwento ni Raffy Tulfo na nademanda na rin siya dala ng kanyang pagiging isang media man
- Ito ay naitanong sa kanya ni Boy Abunda lalo na at may mga tao sa palagay nila'y hindi naging patas sa kanila si Tulfo
- Naibahagi rin niya ang pahayag niya sa mga kritiko na karaniwan ay pawang mga elitista o mga nakaangat talaga sa buhay
- Aniya, kapag may nagsumbong kasi sa kanyang programa, ilang phone call lamang, solve na umano ang problema ng mga kababayan nating naaapi
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Naidemanda na rin si Raffy Tulfo dala umano ng pagiging isa niyang media man.
Isa ito sa naitanong sa kanya ni Boy Abunda sa one-on-one interview nito sa kanya ang "The Interviewer Presents Senatorial Candidate Raffy Tulfo."
Natanong ng Asia's King of Talk kay Tulfo kung naidemanda na ba siya ng taong sa palagay nito ay hindi naging patas sa kanila.
Buong pag-amin naman ni Tulfo na isa siya sa mga media personality na naidemanda rin at sa palagay niya'y bahagi talaga ito ng kanyang propesyon.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
"Meron na Boy. E 'di ba sabi nila, 'pag ikaw ay isang media man at hindi ka naidemanda ibig sabihin, you haven't arrived yet," paliwanag ni Tulfo.
Naikwento rin niya ang pagtugon niya sa mga sumbong ng kababayan nating naaapi na tila ang mga elitista at iyong ilang mga nakaaangat sa buhay ang nagiging kritiko niya lalo na kung ito ang mga involved sa mga kasong isinusumbong sa kanya.
Ito ay dahil sa isa o dalawang tawag lamang niya sa kinauukulan, nagagawan na niya ng paraan na masolusyunan agad ang mga idinudulog sa kanyang programa na kadalasa'y dumadaan sa matagal na proseso.
"If they come to Raffy Tulfo, wala na 'yung mga proseso-proseso na 'yan. Tama ka, judge, jury at executioner. 'Pag dating sa akin, I'll make one, two phone calls, solve itong problema. I speak the language they understand na salbaheng amo," ani Tulfo.
"My brand of justice is kung kinakailangang umaksyon, para mabilisan ang solusyon ng mga naghihikahos nating kababayan, I'll do everything. Whatever it takes."
Narito ang kabuuan ng panayam kay Tulfo mula sa The Boy Abunda Talk Channel:
Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa Pilipinas. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.
Kilala rin siyang YouTube Star sa bansa kung saan may mahigit 22.1 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'. Sa ngayon, isa si Tulfo sa mga kumakandidato sa pagiging senador ng bansa sa Halalan sa Mayo ngayong taon.
Bukod sa pagbibigay aksyon niya sa sumbong ng kababayan nating naapi, kilala rin si Tulfo sa pagbibigay tulong sa mga kapos-palad.
Source: KAMI.com.gh