Senatorial candidate Chel Diokno, nag-enjoy sa jamming niya sa bandang 'Prettier than Pink'

Senatorial candidate Chel Diokno, nag-enjoy sa jamming niya sa bandang 'Prettier than Pink'

- Nag-enjoy si Senatorial candidate Atty. Chel Diokno sa pakiki-jamming niya sa bandang 'Prettier than pink'

- Ang 'Prettier than pink' ay bandang kumanta ng orihinal na bersyon ng 'Chel ka lang' na "Cool ka lang"

-Ito na ang ginawang jingle ni Atty. Chel sa kanyang kandidatura sa pagka-senador sa darating na Eleksyon sa Mayo

- Matatandaang minsan nang nag-viral ang socmed post ni Atty. Chel kung saan naka-fan mode siya sa pakikipag-selfie sa mga artistang supporters nila

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Natuwa si senatorial candidate Atty. Chel Diokno sa song number niya kasama ang bandang 'Prettier than Pink' sa 'CAMANAVA is Pink' rally noong Marso 26.

Senatorial candidate Chel Diokno, nag-enjoy sa jamming niya sa bandang 'Prettier than Pink'
Senatorial candidate Chel Diokno, nag-enjoy sa jamming niya sa bandang 'Prettier than Pink' (@ChelDiokno)
Source: Twitter

Nalaman ng KAMI na ang bandang Prettier than Pink ang kumanta ng 'Cool ka lang' na siyang pinagbasehan ng jingle ni Atty. Chel na 'Chel ka lang.'

Read also

Daniel Padilla, hinarana si Kathryn Bernardo sa kaarawan nito

Kaya naman nang tumugtog ang banda sa CAMANAVA rally, tinawag din nila ang sinusuportahang senatorial candidate na si Atty. Chel.

Naki-kanta at sumabay naman sa chorus ng kanyang jingle si Atty. Chel habang naka-hand sign ng "C" para sa pangalan niyang 'Chel.'

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa kanyang Twitter post, ibinahagi niya ang ilang mga larawang kuha sa kanyang song number kasama ang 'Prettier than Pink.'

"First time kong kumanta in front of a big crowd. Grabe! Ganito pala feeling ng rockstar. Thank you Prettier Than Pink for inviting me on stage and for letting us use “Cool Ka Lang” for our jingle!"

Pinasalamatan din niya ang banda sa pagpapahintulot sa kanya na magamit ang kantang 'Cool ka lang' na maging jingle ng senatorial candidate.

Si Jose Manuel Tadeo "Chel" Icasiano Diokno ay isang Filipino lawyer, educator, at human rights advocate. Siya ay chairman ng Free Legal Assistance Group at founding dean of the De La Salle University College of Law. Isa siya sa mga kumakandidatong senador kasama ng grupo ni presidential candidate Leni Robredo at running mate nito na tumatakbo sa pagka-bise presidente na si Senator Kiko Pangilinan.

Read also

Ex-commissioner Rowena Guanzon, binuhay ang Camanava crowd; "Hindi kami bangag!"

Bukod sa mga artistang naka-selfie ni Atty. Chel, tila nadadagdagan na ang nagpapahayag ng boluntaryong pagsuporta sa kandidatura ng 'Leni-Kiko tandem' at kanilang senatoriables.

Isa na rito ang bandang Ben and Ben. Sa pamamagitan ng kanilang social media, kanilang kinumpirmang isa sila sa mga magtatanghal sa mga campaign rally ng mga Kakampink. Una silang napanood sa Kakampink rally ng PasigLaban noong Marso 20.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica