Daniel Padilla, hinarana si Kathryn Bernardo sa kaarawan nito

Daniel Padilla, hinarana si Kathryn Bernardo sa kaarawan nito

- Viral ngayon ang video ng paghaharana ni Daniel Padilla sa love of his life niyang si Kathryn Bernardo

- Makikita sa video na game na game si Daniel sa pagkanta ng 'Truth' ni Bamboo

- Tutok na tutok naman sa panonood sa kanya si Kathryn na napa-wow sa kanyang performance

- Isa ang tambalan nina Daniel at Kathryn sa showbiz lalo na at matatag din ang pagiging real-life couple nila

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Nagpakilig din sa marami ang video ni Daniel Padilla na nagawang kantahan at haranahin ang kanyang birthday girl na si Kathryn Bernardo.

Daniel Padilla, hinarana si Kathryn Bernardo sa kaarawan nito
Daniel Padilla, hinarana si Kathryn Bernardo sa kaarawan nito (@supremo_dp)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na sa kanilang selebrasyon ng kaarawan ng Kapamilya actress, naki-jam si Daniel sa performers ng lugar at kinanta nito ang 'Truth' ni Bamboo.

Bahagya ring nakita si Joshua Garcia at nag-Hi ito sa video. Isa sa mga malalapit na kaibigan ng dalawa.

Read also

Ex-commissioner Rowena Guanzon, binuhay ang Camanava crowd; "Hindi kami bangag!"

Makikita namang tutok na tutok si Kathryn sa kanyang Daniel habang kumakanta ito at talagang napa-wow siya sa performance ng kasintahan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang kabuuan ng video na naibahagi rin ng Kapamilya Online World:

Si Daniel Padilla ay kilalang aktor sa Pilipinas na anak nina Karla Estrada at Rommel Padilla.

Kamakailan, mabilis na nag-viral sa social media ang post ng film director na si Mandy Reyes kung saan kasama niya si Daniel.

Ikinagulat ng marami ang larawan gayung nasa gitna ng dalawa ang flyer ni Vice President at presidential aspirant Leni Robredo.

Mabilis itong gumawa ng ingay at nai-share ng libo-libong beses sa loob lang ng ilang oras gayung tila magkaiba ang pangulong susuportahan ni Daniel at ina nitong si Karla Estrada.

Matatandaang si Karla ay tumatakbo bilang kinatawan ng Tingog party list sa ilalim ng grupong UniTeam nina Bongbong Marcos at Davao City Mayor Sara Duterte.

Read also

Kris Aquino, present sa 'Tarlac is Pink' Campaign rally sa kabila ng karamdaman

Bahagi rin si Karla ng Kapamilya show na "Magandang Buhay" na kinailangan niyang lisanin pansamantala dahil sa kampanya.

Sa ngayon, ang aktres at singer na si Regine Velesquez ang nakakasama nina Melai Cantiveros at Jolina Magdangal sa naturang programa.

Samantala, minsan na rin itong napag-usapan sa Showbiz Update nina Ogie Diaz at Mama Loi kung saan nasabing posible pa namang magbalik si Karla sa 'Magandang Buhay' matapos ang eleksyon. Subalit malaki rin umano ang posibilidad na ang Asia's Songbird na ang manatili sa programa.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel