QC Mayor Joy Belmonte, inaming dinamdam niya ang pagsasara noon ng ABS-CBN

QC Mayor Joy Belmonte, inaming dinamdam niya ang pagsasara noon ng ABS-CBN

- Aminado si Quezon City Mayor Joy Belmonte na isa siya sa mga nagdamdam sa pagsasara ng ABS-CBN noong 2020

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

- Aniya, inisip niya ang empleyadong nawalan ng trabaho sa gitna ng pandemya

- Nabanggit din niyang maayos magbayad umano ng buwis sa ABS-CBN na siyang nakatutulong sa kanilang lungsod

- Marami sa mga nawalan ng hanapbuhay sa nasabing network ay nabigyan naman ng trabaho ni Mayor Joy sa Quezon City

Inamin ni Mayor Joy Belmonte ng Quezon City na isa umano siya sa mga nagdamdam sa pagsasara ng ABS-CBN noong 2020.

QC Mayor Joy Belmonte, inaming dinamdam niya ang pagsasara noon ng ABS-CBN
QC Mayor Joy Belmonte, inaming dinamdam niya ang pagsasara noon ng ABS-CBN
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matatandaang hindi na muling nabigyan pa ng prangkisa ang naturang network dalawang taon na ang nakalilipas sa kasagsagan ng COVID-19 sa bansa.

Read also

Elha Nympha, sinagot ang mga bashers kaugnay sa pagiging 'Kakampink' niya

Sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz, inilahad ni Mayor Joy ang saloobin dahil maraming mga artista at empleyado ang naapektuhan dahil dito.

"Una kasi dinamdam ko 'yung pagkasara ng ABS-CBN because ABS-CBN is in Quezon City,
"I gave my statement of support because ABS-(CBN) pays their taxes well,"
"Malaki ang naitutulong ng buwis na nagmumula sa ABS-CBN sa mga mamayan ng lungsod namin,
"Marami sa mga empleyado ng ABS-CBN ay taga Quezon City at sila ay mga breadwinners ng mga pamilya nila and I felt really bad about that, actually," paliwanag ng alkalde.

Dahil dito, ilan sa mga empleyado ng nasabing network na nawalan ng hanapbuhay ay binigyan niya ng trabaho.

Narito ang kabuuan ng pahayag ni Mayor Joy na mapapanood sa Ogie Diaz YouTube channel:

si Ogie Diaz o Roger Diaz Pandaan sa tunay na buhay ay isang komedyante, aktor at respetadong showbiz reporter.

Sa ngayon, pinakakaabangan ng marami ang mga video sa kanyang mga YouTube channels na "Ogie Diaz" at "Ogie Diaz Showbiz Updates" dahil sa mga maiinit na showbiz balita at interview sa mga artista at iba pang kilalang personalidad.

Read also

Elmer Cordero ng Piston 6, nagpakita ng suporta kay VP Leni Robredo

Kamakailan, nag-trending ang pagho-host ni Ogie D ng "Leni-Kiko" tandem sa Tarlac na binisita rin ng Queen of all media na si Kris Aquino.

Nagtungo si Kris ng Tarlac sa kabila ng kanyang karamdaman. Kasama rin niya ang mga anak niyang sina Josh at Bimby.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Tags: