Bimby, namangha sa dami ng tao sa 'Tarlac is Pink' campaign rally nina VP Leni Robredo

Bimby, namangha sa dami ng tao sa 'Tarlac is Pink' campaign rally nina VP Leni Robredo

- Namangha ang bunsong anak ni Kris Aquino na si Bimby, sa dami ng taong dumalo sa 'Tarlac is Pink' campaign rally

- Nang magpalit ng mask si Kris, saglit niyang pinagsalita si Bimby na hindi napigilang mamangha sa dami ng mga 'Kakampink' sa Tarlac

- Sinamahan nila ng kanyang Kuya Josh ang ina na si Kris na hindi nagpapigil sa pagdalo ng naturang People's rally

- Aminadong naging emosyonal na man si Kris Aquino sa pagpunta ng Tarlac para suportahan ang kandidatura ni VP Leni Robredo sa pagka-pangulo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Talagang napa-wow ang bunsong anak ni Kris Aquino na si Bimby sa dami ng taong dumalo sa 'Tarlac is Pink' campaign rally nina VP Leni Robredo at kanyang grupo.

Bimby, namangha sa dami ng tao sa 'Tarlac is Pink' campaign rally nina VP Leni Robredo
Bimby, namangha sa dami ng tao sa 'Tarlac is Pink' campaign rally nina VP Leni Robredo (@krisaquino)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na kasama ni Kris ang mga anak na sina Bimby at Josh sa nasabing campaign rally para alalayan siya gayung walang nakapigil sa kanya na dumalo para maipakita ang suporta kay VP Leni.

Read also

Kris Aquino, present sa 'Tarlac is Pink' Campaign rally sa kabila ng karamdaman

Nang magpalit ng mask si Kris bilang pag-iingat gayung mayroon pa rin siyang karamdaman, saglit niyang pinagsalita si Bimby.

"Oh Wow, Ang daming tao pala dito! Thank you po for coming and supporting Ma'am Leni," ani Bimby.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, aminado namang naging emosyonal si Kris sa muling pagtapak niya sa entablado para ituloy ang suporta kay VP Leni ngayong tumatakbo na ito sa pagka-Pangulo ng bansa.

"VP, I did this for you, I did this for my dad, my mom, for noy, But most of all I did it for the future of Kuya Josh and Bimb," ang mensahe ni Kris nang makasama na niya sa entablado si VP Leni na pinaghabilinan niyang alagaan ang Tarlac at ang bansa tulad ng pag-aalaga noon ng kanyan Kuya Noy na naging Pangulo rin ng ating bansa.

Read also

Video ng pag fist bump ni Mayor Vico Sotto kay VP Leni Robredo bilang pagsalubong, viral

Narito ang kabuuan ng pahayag mula sa VP Leni Robredo YouTube channel:

Si Kris Aquino ay anak ng pumanaw na dating Pangulong Cory Aquino. Ama naman niya ang pumanaw na rin na dating Senador Ninoy Aquino.

Siya ang bunsong kapatid ni President Noynoy Aquino, ang pangulo ng Pilipinas bago si Presidente Rodrigo Duterte. Tinagurian siyang “Queen of All Media.”

Kamakailan, ibinahagi ni Kris sa kanyang Instagram na nakalabas na siya sa ospital subalit kapansin-pansin pa rin ang pagbabago na sa kanyang pangangatawan.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica