Kris Aquino, nakalabas na mula sa pagkaka-confine sa ospital

Kris Aquino, nakalabas na mula sa pagkaka-confine sa ospital

- Sa kanyang Instagram post, sinabi ni Kris Aquino na nakalabas na siya ng ospital at nakauwi na sa kanilang pansamantalang inuupahang bahay

- Ibinahagi niya ang mensaheng ito kalakip ng picture nilang mag-iina na aniya ay kuha sa ospital bago sila umuwi

- Naghihintay na lamang umano sila ng bone marrow test results na nauna nang nabanggit ni Kris na ginawa upang masuri kung meron siyang blood related disorder

- Matatandaang sa naunang pahayag ni Kris ay tutulak sila papuntang ibang bansa sakaling maayos ang resulta ng mga tests na ginawa sa kanya

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Masayang ibinahagi ni Kris Aquino na sa wakas ay nakalabas na siya ng ospital. Sa kanyang Instagram post ay binahagi niya ang litrato nilang mag-iina na aniya ay kuha sa ospital bago sila umuwi sa kanilang bahay.

Read also

Kris Aquino, nagkaroon ng allergic reaction sa pain reliever

Kris Aquino, nakalabas na mula sa pagkaka-confine sa ospital
Kris Aquino arrives for Warner Bros. Pictures' "Crazy Rich Asians" Premiere held at TCL Chinese Theatre IMAX on August 7, 2018 in Hollywood, California. (Photo by Albert L. Ortega)
Source: Getty Images

Hinihintay na lamang nila ang resulta ng ginawang bone marrow aspiration para malaman kung meron siyang blood related na sakit na naging dahilan ng kanyang pagpayat at pagiging anemic.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa naunang pahayag ni Kris ay tutulak sila papuntang ibang bansa sakaling maayos ang resulta ng mga tests na ginawa sa kanya. Kamakailan lang din niya sinabi na tagumpay ang kanyang 2nd dose XOLAIR infusion niya.

... this was our last pic before heading to our temporary, leased home… for my bone marrow test results. Super blessed to have the LOVE and concern from these 2 giants, through them God so much more than i could ever deserve. #grateful #family

Marami sa mga kasamahan niya sa industriya ang patuloy na nagpapakita ng kanilang pagmamahal kay Kris. Kabilang sina Pokwang, Angel Locsin, Neil Arce at Derek Ramsay sa mga bumati sa kanya. Marami din ang nagdarasal sa kanyang tuluyang pag-galing.

Read also

Kris Aquino, tapos na sa kanyang ikalawang dose ng XOLAIR infusion

Si Kris Aquino ay anak ng pumanaw na dating Pangulong Cory Aquino. Tatay naman niya ang pumanaw na rin na dating Senador Ninoy Aquino.

Kapatid naman siya ni former President Noynoy Aquino, ang pangulo ng Pilipinas bago si President Rodrigo Duterte.

Ang “Queen of All Media” ay may anak kay Philip Salvador na si Josh at anak kay James Yap na si Bimby.

Matatandaang naging usap-usapan ang pagbati ni Kris para sa isang taong hindi niya pinangalanan. Gayunpaman, kinalaunan ay napag-alamang si Mel Sarmiento ito.

Marami ang natuwa nang isapubliko ni Kris ang tungkol sa engagement nila kamakailan lang. Aniya, excited na siyang maging Sarmiento.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel