VP Leni Robredo sa umano'y Php1000 na bayad sa mga Kakampink: "Please help us report"

VP Leni Robredo sa umano'y Php1000 na bayad sa mga Kakampink: "Please help us report"

- Umalma si Vice President Leni Robredo sa mga umano'y nagpapakalat ng maling impormasyon

- Makikita sa screenshot na kanyang ibinahagi na may ipinamamahagi umanong pink face mask sa mga Kakampink kalakip ng Php1000

- Aniya, abonado pa umano ang kanyang mga volunteers na pumila at tumatayo ng matagal sa kabila ng init sa mga lugar ng kampanya

- Nanawagan si VP Leni na i-report ang mga nagpapakalat ng maling impormasyon na ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Inalmahan ni presidential candidate VP Leni Robredo ang umano'y kumakalat na maling impormasyon kung saan may namamahagi umano ng pink face mask sa mga Kakampink kalakip ng Php1000 sa kanyang mga supporters.

VP Leni Robredo sa umano'y Php1000 na bayad sa mga Kakampink; "Please help us report"
Photo: VP Leni Robredo
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na ibinahagi mismo ni VP Leni ang naturang post patungkol sa detalye ng pamamahagi.

Ang nakababahala pa rito, nagawa pang ma-red tag ang nag-post gayung sinabi pa nitong may kaugnayan pa umano sa NPA ang bise presidente kaya naman malaki ang pondo nito sa kampanya.

Read also

Video ng pag fist bump ni Mayor Vico Sotto kay VP Leni Robredo bilang pagsalubong, viral

"People lined up for so many hours, braving the heat and the crowds. Abonado pa ang karamihan sa kanila."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Huwag natin hayaan yurakan ang ating dignidad ng mga kasinungalingan. Nang red tag pa. Please help us report," ani VP Leni.

Narito ang kabuuan ng kanyang post:

Si Leni Robredo ay ang kasalukuyang Bise Presidente ng Pilipinas. Siya ay ang misis ng namayapa na si Jesse Robredo at nabiyayaan sila ng tatlong anak na babae na sina Aika, Tricia, at Jillian.

Nito lamang Marso 20, dinayo at dinaluhan ng nasa 137,000 na mga 'Kakampink' ang PasigLaban People's rally na ginanap sa Emerald Ave.

Dahil sa matagumpay na pagtitipon, taos-pusong pinasalamatan ni VP Leni ang lahat ng naging bahagi ng campaign rally na ito sa Pasig.

Read also

Kakampink couple, na-engage sa kasagsagan ng People's rally sa Pasig City

Sa kanyang Facebook post, pinasalamatan niya ang mga organizers na itinodo umano ang paghahanda para sa malaking kaganapan gayundin ang mga performers na boluntaryong nagtanghal ng walang kabayaran.

Oktubre 7 noong nakaraang taon nang inanunsyo ni Robredo ang kanyang pagtakbo bilang Pangulo ng Pilipinas sa darating na eleksyon sa Mayo ngayong 2022. Si Senator Kiko Pangilinan naman ang kanyang running mate na tatakbo bilang bise presidente. Tinawag nilang 'Team Angat' ang mga senatoriables na bahagi ng kanilang grupo.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica