Senatorial candidate Atty. Chel Diokno, naki-selfie sa kanilang artistang supporters
- Ibinahagi ni Atty. Chel Diokno ang mga larawan niyang kasama ang mga celebrity supporters ng 'Team Angat' nina presidential candidate Leni Robredo
- Nakipag-picture siya kina Erik Santos, Jolina Magdangal, Rice Peralejo at Moira Dela Torre
- Pinasalamatan niya ang mga artists na ito sa oras at talentong ibinabahagi nila sa kampanya ng mga Kakampink
- Aniya, nag-fan boy daw siya sa mga artistang nakasama sa picture
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Makulit na ibinahagi ng senatorial candidate na si Atty. Chel Diokno ang mga larawang kasama niya ang mga artista at musicians na sumusuporta sa kandidatura ng 'Team Angat' sa pangunguna ng presidential candidate na si Vice President Leni Robredo.
Nalaman ng KAMI na pinasalamatan niya ang mga artists na kanilang nakasama sa People's rally sa Zamboanga kamakailan.
Sa kanyang Twitter, taos-pusong pinakita ni Atty. Chel ang pagpapahalaga nila sa oras at talentong inilaan ng mga artista at performers na boluntaryong nakiisa sa kanilang kampanya.
Ang nakatutuwa pa sa kanyang post, sinabing 'nag-fan boy' mode siya sa mga nakasamang artista sa larawan.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Narito ang kabuuan ng kanyang tweet:
Si Jose Manuel Tadeo "Chel" Icasiano Diokno ay isang Filipino lawyer, educator, at human rights advocate. Siya ay chairman ng Free Legal Assistance Group at founding dean of the De La Salle University College of Law. Isa siya sa mga kumakandidatong senador kasama ng grupo ni presidential candidate Leni Robredo at running mate nito na tumatakbo sa pagka-bise presidente na si Senator Kiko Pangilinan.
Bukod sa mga artistang naka-selfie ni Atty. Chel, tila nadadagdagan na ang nagpapahayag ng boluntaryong pagsuporta sa kandidatura ng 'Leni-Kiko tandem' at kanilang senatoriables.
Isa na rito ang bandang Ben and Ben. Sa pamamagitan ng kanilang social media, kanilang kinumpirmang isa sila sa mga magtatanghal sa mga campaign rally ng mga Kakampink. Una silang mapapanood ngayong Marso 20 sa Pasig City.
Samantala, kanya-kanyang pagpapabulaan ang ilang mga artist at musicians na napasama sa post na nagsasabing kasama umano sila sa isang campaign rally ng UniTeam.
Ilan sa kanila ay ang Parokya ni Edgar, Kamikazee, Zack Tabudlo at IV of Spades.
Tahasang sinabi ng mga ito na pawang fake news lamang ang narutang post at walang katotohanang sasama sila sa pangangampanya ng grupo ni presidential candidate BongBong Marcos at ka-tandem nito na kumakandidato naman sa pagka- bise presidente na si Sara Duterte.
Source: KAMI.com.gh