Larawan ni VP Leni Robredo na kuha sa labas ng 'Pink Mosque', viral
- Mabilis na nag-viral ang larawan ni Vice President Leni Robredo na kuha sa labas ng Pink Mosque
- Patungo umano sila sa Tacurong City, Sultan Kudarat nang madaanan ang naturang Mosque
- Bagaman at sila umano'y nagmamadali, hindi raw niya mapigilang hindi magpakuha ng larawan
- Sa kanyang update, nakabalik na umano sila sa apat na araw na pangangampanya sa Mindanao para naman sa Presidential Debate ng Comelec ngayong Marso 19 ng gabi
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Ibinahagi mismo ni Presidential candidate Leni Robredo ang larawang kuha sa labas ng Pink Mosque sa bayan ng Datu Saudi-Ampatuan, Province of Maguindanao.
Nalaman ng KAMI na hindi umano napigilang magpa-picture ng bise presidente sa Masjid Dimaukom o tinguriang "Pink Mosque" nang madaanan nila ito patungong Tacurong City sa Sultan Kudarat.
"We were rushing because we were already running late but could not resist having my picture taken," bahagi ng caption ng kanyang post na mabilis na nag-viral.
Nagbigay din siya ng update na nakabalik na umano siya mula sa apat na araw na pag-iikot, pagbisita at pangangampanya sa Mindanao.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Naghahanda na rin umano siya sa Comelec Presidential debate na gaganapin ngayong gabi ng Marso 19.
Si Leni Robredo ay ang kasalukuyang Bise Presidente ng Pilipinas. Siya ay ang misis ng namayapa na si Jesse Robredo at nabiyayaan sila ng tatlong anak na babae na sina Aika, Tricia, at Jillian.
Oktubre 7 noong nakaraang taon nang inanunsyo ni Robredo ang kanyang pagtakbo bilang Pangulo ng Pilipinas sa darating na eleksyon sa Mayo ngayong 2022. Si Senator Kiko Pangilinan naman ang kanyang running mate na tatakbo bilang bise presidente.
Samantala, nag-trending din ang unang pag-host ni Ogie Diaz ng grand rally ng mga 'Kakampink' sa Iloilo kamakailan. Naging kontrobersyal ang mga nasabi ni Ogie at isa na rito ay ang nabanggit niyang wala umano silang tinanggap na bayad para sa naturang kaganapan na dinaluhan ng libo-libong katao noong Pebrero 25.
Patuloy umanong dumarami ang mga celebrities at musician na patuloy na sumusuporta at boluntaryong nakikiisa sa kampanya ni Leni Robredo sa pagka-presidente ng bansa.
Isa sa bagong dagdag ay ang bandang Ben&Ben na unang mapapanood sa People's Rally ng mga Kakampink sa Pasig City sa Marso 20.
Source: KAMI.com.gh