Mayor Sara Duterte, desidido nang hindi dadalo sa mga Vice Presidential debates
- Sinabi mismo ni Mayor at vice presidential candidate Sara Duterte ang hindi niya pagdala sa mga debate
- Naitanong ito sa kanya gayung nalalapit na ang Comelec debate sa March 20
- Aniya iniiwan na umano siya sa taumbayan ang pagpili ng bise presidente habang ganoon umano ang kanyang istilo na hindi dadalo sa debate
- Ilalaan na lamang umano nila ang oras na ito para sa patuloy na pangangampanya sa buong bansa
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Nagdesisyon na si Davao City Mayor Sara Duterte na hindi umano siya dadalo sa anumang vice presidential debate na magaganap bago ang eleksyon sa Mayo 9.
Nalaman ng KAMI na bukod sa opisyal na pahayag ni Mayor Sara, muli itong naitanong sa kanya ng press.
"We already released a statement about the debates no, I've already decided that I will do this campaign without joining debates. Iniiwan ko na po yan sa lahat ng ating mga kababayan ang pagdesisyon sa pagpili nila sa Vice President na ganito po 'yung aking direksyon sa kampanya"
Sa ngayon, ito ang desisyon umano ni Mayor Sara at sakali mang magbago ito, ipaaalam naman daw nila agad ito sa publiko subalit muli niyang binigyang diin na sa ngayon, wala umano silang balak na dumalo ng mga debate.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa Rappler:
Si Sara Duterte-Carpio ay ang kasalukuyang alkalde ng Davao City. Siya ay anak ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Matatandaang noong Oktubre 2, ng nakaraang taon 2021, sa ganap na 4:15 ng hapon ay nagtungo ang kasalukuyang alkalde ng Davao City sa Comelec ng kanilang lugar upang pormal na magsumite ng kanyang certificate of candidacy sa parehong posisyon.
Subalit noong Nobyembre 9, kasabay ni Mayor Sara na nag-withdraw ng kanilang kandidatura ang bunsong kapatid na si Baste Duterte na siyang tatakbo bilang alkalde ng kanilang lungsod.
Nobyembre 11 ng 2021, matapos dumalo sa kasalan ng anak ni Senator Bong Revilla, na dinaluhan din ni dating senador Bongbong Marcos, nanumpa na bilang kasapi ng Lakas-CMD si Inday Sara.
Dalawang araw matapos ang kaganapang ito, pormal nang naghain ng kanyang kandidatura sa pagkabise-presidente si Mayor Sara na halos kasabay naman ng resolusyong inilabas ng partido ni Marcos na Partido Federal ng Pilipinas patungkol sa pag-ampon at pag-endorso nila sa kasalukuyang alkalde ng Davao City. Siya na ngayon ang running-mate ni Presidential candidate Bongbong Marcos sa kanilang UniTeam.
Source: KAMI.com.gh