Pangulong Duterte sa katangian ng susunod na presidente: "Sana Abogado"
- Ikalawa sa nabanggit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga umano'y katangian ng susunod na Pangulo ay ang ang pagiging abogado
- Ito ay upang madali raw umanong makapagdesisyon ang susunod na mamumuno sa bansa
- Una niyang binanggit ang pagiging compassionate gayung nabanggit niya na siya mismo ay maawain din
- Abala na ngayon ang lahat ng mga kandidato sa kanilang kampanya sa iba't ibang bahagi ng bansa
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Isa sa mga naitanong kay Pangulong Rodrigo Duterte ng SMNI interview sa kanya ni Pastor Apollo Quiboloy ay kung ano ang nararapat na katangian ng magiging susunod na presidente sa kanya.
Nalaman ng KAMI na isa sa mga nabanggit ni Presidente Duterte ay ang pagiging tulad niya.
"Well, ako 'yan. Pero hindi ko sinasabi na ipilit ko 'yan kung maniwala lang kayo. First a president should be a compassionate one. 'Yung para sa tao talaga. I am lucky because I grow up with politics... Nasanay akong makita ng mahirap kaya na-develop ko ang pagkamaunawain ko."
Naibahagi rin niya ang kanyang ama na inspirasyon niya sa pagkamaawain umano sa tao. Dati raw itong gobernador sa Davao at nakita niya ang ama na kahit umano dumating sila sa punto na wala na, nagbibigay pa rin ito ng tulong sa mga nangangailangan.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
"You must love the human being," dagdag pa ni Pangulong Duterte.
"Second, you must be decisive. Ang ano nga is hindi man ako nagsabi na it's the best quality, but one of the good qualities of a president, sana abogado," pahayag ni Duterte.
"Isang tingin mo lang, maka-decide ka na agad," dagdag pa ng pangulo.
Sa mga kasalukuyang tumatakbo sa pagiging susunod na pangulo ng Pilipinas, tanging sina Vice President Leni Robredo at Dr. Jose Montemayor Jr. ang pawang mga abogado.
Narito ang kabuuan ng panayam ni Pastor Quiboloy kay Pangulong Duterte mula sa SMNI News:
Si Pangulong Rodrigo ang kasalukuyang presidente ng Pilipinas. Siya ang ika-16 na namuno sa ating bansa.
Samantala ang kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ay tumatakbo naman sa pagka-bise presidente ng bansa sa darating na Halalan sa Mayo 9.
Kamakailan, sa isinagwang Press conference ng kanilang grupo ni presidential candidate Bongbong Marcos, Hindi muna nakapagbigay ng rason si Mayor Sara kung bakit hindi sila nakadadalo ng kanyang running mate na si Bongbong Marcos ng mga imbitasyon sa kanila na makaharap ang kapwa nila tumatakbong presidente at bise presidente ng bansa para sa ilang debate.
Source: KAMI.com.gh