Dating Comelec commissioner Rowena Guanzon, hayagan ang suporta kay Leni Robredo
- Hayagan na ang suporta ni dating Comelec commissioner Rowena Guanzon kay Vice President Leni Robredo sa pagtakbo nito sa pagka-pangulo ng bansa
- Dumalo mismo si Atty. Guanzon sa ginanap na People's rally sa Bacolod noong Marso 11
- Dinaluhan ito ng nasa 70,000 na katao na siyang pinakamalaking bilang na naitala sa lahat ng ginanap na People's rally ng Leni-Kiko tandem
- Si Atty. Rowena Guanzon ay isang abogado, public servant at politician na naging matunog lalo ang pangalan bago siya magretiro kaugnay ng umano'y disqualification case ni Presidential aspirant Bongbong Marcos
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Todo na ang suporta ni dating Comelec commissioner Rowena Guanzon sa kandidatura nina Leni Robredo at Kiko Pangilinan na tumatakbo sa pagka-pangulo at bise presidente ng bansa.
Dumalo mismo si Atty. Guanzon sa People's rally sa Negros Occidental noong Marso 11.
Kasama ang iba pang mga Kakampink, hayagang ipinakita ng batikang abogado ang pagsuporta kina Robredo para sa darating na Halalan sa Mayo 18.
Nag-viral din ang video ni Guanzon sa pagsasalita niya sa naturang people's rally ng grupo nina Robredo.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Sa kanya namang social media page, ibinahagi rin ni Atty. Guanzon ang larawan kung saan isang mahigpit na yakap ang kanyang natamo mula sa sinusuportahang kandidato.
Si Atty. Rowena Guanzon ay isang abogado, public servant at politician. Siya ang kaka-retire lamang na commissioner ng COMELEC na nag-serbisyo sa nasabing ahensya mula 2015 hanggang 2022.
Bago ang kanyang pagreretiro, naging matunog ang kanyang pangalan kaugnay sa disqualification case ni Presidential aspirant Bongbong Marcos.
Sa naging panayam sa kanya ni Ogie Diaz, naikwento ni Atty. Guanzon ang hindi niya makakalimutang childhood memory kung saan nadisiplina sila ng ama dahil sa umano'y pagnanakaw.
Kwento niya, ang payroll money na pasweldo sa kanilang mga trabahador sa hacienda ay nasa 'brown bag' lamang noon sa kwarto ng kanyang mga magulang.
Katwiran noon ni Atty. Guanzon, bilang bata, inakala niyang ang anumang pera na nasa loob ng kanilang bahay ay sa kanya rin.
Doon ipinaliwanag ng ama na para ito sa mga trabahador at hindi sa kanya. Dahil dito, bilang pagkuha pa rin ng hindi sa kanya ang kanyang nagawa, nadisiplina silang magkapatid ng kanyang ama.
Aminado si Atty. Guanzon na sobra ang takot niya noong araw na iyon kaya naman pumasok ito sa kanyang isip na hindi kailaman dapat magnakaw ang sinoman.
Source: KAMI.com.gh