Atty. Rowena Guanzon, sa pagpili ng iboboto; "'Di pwedeng popular lang sila"
- Nagbigay ng payo si dating COMELEC Commissioner Atty. Rowena Guanzon para sa pagpili ng iboboto sa darating na Halalan sa Mayo
- Aniya, piliin dapat ang tapat at mahuhusay at iyong may magandang track record sa pagseserbisyo
- Huwag umanong iboto ang mga popular lamang subalit hindi naman umano marunong
- 'Hardworking people at hardworking leaders' ang umano'y nararapat na mamuno sa bayan
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Nakapanayam ni Ogie Diaz si dating COMELEC commissioner Rowena Guanzon na mapapanood sa kanyang YouTube channel.
Nalaman ng KAMI na bago matapos ang panayam, humingi si Ogie ng payo sa dating COMELEC commissioner patungkol sa tamang pagpili ng mga iboboto ng publiko bilang susunod na mga mamumuno sa bansa.
"Kailangan po sa May 2022 ay mamili tayo ng mga kandidatong tapat at mahuhusay. Kasi lugmok na po sa kahirapan ang ating bansa," panimula ng sagot ni Atty. Guanzon.
"Ang mga mahihirap ay lalong naghihirap. Lalo na sa pandemya, Nawalan tayo ng trabaho. Nawalan tayo ng mga mahal sa buhay,"
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
"Kasi hindi na pu-pwede ngayon na popular lang sila. Hindi naman sila marunong. Para umangat ang bayan natin, ang ekonomiya natin,"
"Mamili kayo diyan ng may mga track record na talaga. They're hardworking people. They're hardworking leaders na marurunong na sila,"
"'Yun po ang hinihiling ko lang sa inyo na 'dun tayo sa tapat. Hindi magnanakaw at mahuhusay,"
Narito ang kabuuan ng interview kay Atty. Guanzon na mula sa Ogie Diaz YouTube channel:
Si Ogie Diaz o Roger Diaz Pandaan sa tunay na buhay ay isang komedyante, aktor at showbiz reporter. Sa ngayon, pinakakaabangan ng marami ang mga video sa kanyang YouTube channel na "Ogie Diaz" at "Ogie Diaz Showbiz Updates" dahil sa mga maiinit na showbiz balita at interview sa mga artista at iba pang kilalang personalidad.
Samantala, si Atty. Rowena Guanzon ay isang abogado, public servant at politician. Siya ang kaka-retire lamang na commissioner ng COMELEC na nag-serbisyo sa nasabing ahensya mula 2015 hanggang 2022.
Bago ang kanyang pagreretiro, naging matunog ang kanyang pangalan kaugnay sa disqualification case ni Presidential aspirant Bongbong Marcos.
Source: KAMI.com.gh