Ka Leody de Guzman sa kung bakit siya ang dapat iboto bilang pangulo: "Hindi ako magnanakaw"
- Natanong si Ka Leody De Guzman kung bakit siya ang dapat na ihalal para maging susunod na pangulo ng bansa
- Sinabi niyang hindi umano siya magnanakaw at hindi rin siya 'trapo' o traditional politician
- Dagdag pa niya, napapanahon na umanong tapusin ang pagboto sa mga taong nilarawan niyang nasa tuktok na ng lipunan
- Isa si Ka Leody sa nagpaunlak sa presidential debate ng SMNI na ginanap noong Pebrero 15
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Matapang ang naging kasagutan ni Presidential candidate Leody De Guzman sa tanong sa kanya kung bakit siya ang dapat na ihalal bilang susunod na pangulo ng Pilipinas.
Nalaman ng KAMI na isa ito sa mga naibatong tanong sa kanila sa ginanap na presidential debate ng Sonshine Media Network International (SMNI) noong Martes, Pebrero 15.
Diretsahan sinabi ni 'Ka Leody' na hindi umano siya magnanakaw at 'trapo' o 'traditional politician.'
"Hindi ako pamilya ng dinastiya na papasok lang sa pulitika para magpayaman,"
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
"Ako'y anak ng magsasaka, sanay sa trabaho at hindi mag-aaksaya ng panahon para sa mga bagay na hindi para sa kapakanan ng mamamayan. Dapat tapusin na natin ang pagboboto sa mga tao na galing sa tuktok ng ating lipunan," dagdag pa ni Ka Leody.
Isa lamang siya sa apat pang nagpaunlak sa nasabing presidential debate sa SMNI network ni Pastor Apollo Quiboloy.
Sina Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr., dating Defense Secretary Norberto Gonzales, dating spokesperson Ernesto Abella ang iba pang mga dumalo sa nasabing debate.
Isa si Labor leader Ka Leody De Guzman sa mga tumatakbo sa pagka-pangulo ng bansa sa darating na Halalan sa Mayo ngayong taon.
Bukod kina Senator Manny Pacquiao, Senator Panfilo Lacson, Manila Mayor Isko Moreno, dating senador Bongbong Marcos, at Vice President Leni Robredo, ilan pa sa mga naghain ng kanilang kandidatura ay sina Ernie Abella, Norberto Gonzales, Faisal Mangondato at Jose Montemayor Jr.
Matatandaang noong Enero, unang ginanap ang presidential interviews ni Jessica Soho kung saan limang matutunog na pangalan ng mga tumatakbong Presidente ng bansa ang naimbitahan. Naging kontrobersyal ito dahil sa umano'y hindi pagdalo ni presidential candidate Bongbong Marcos na dumalo naman sa sumunod na interview ni Asia's King of Talks, Boy Abunda.
Source: KAMI.com.gh