Tambalang Marcos-Duterte sa Eleksyon 2022, pormal nang inihayag ng dalawa
- Pormal nang inanunsyo nina Mayor Sara Duterte at dating senator Bongbong Marcos ang kanilang tandem para sa 2022 Election
- Sa kanya mismong social media, ibinahagi ni Mayor Sara ang video ng kumpirmasyon ng pakikipag-alyansa niya kay Marcos
- Nilinaw naman niyang walang sinuman siniraan o dinungisan ang pangalan sa desisyon nilang ito
- Pinasalamatan muli ni Mayor Sara ang kanyang mga supporters na dahilan umano kung bakit tatakbo siya bilang bise presidente ng bansa sa darating na Halalan 2022
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Pormal nang inanunsyo nina Mayor Sara Duterte at dating senator Bongbong Marcos ang kanilang tandem sa pagkandidato bilang Pangulo at bise presidente sa Eleksyon 2022.
Nalaman ng KAMI na sa kani-kanilang social media, kinumpirma nila ang kanilang tandem matapos na ampunin ng kampo ni Marcos si Mayor Sara.
Sa isang video na ibinahagi noong Nobyembre 16, ipinaliwanag ni Mayor Sara ang kandidatura nila ng dating senador.
"Ang aking partido ay nakipag-alyansa at humingi ng suporta para kay Bongbong Marcos at para sa akin, matapos kong tanggapin ang inyong hamon at panawagan. Tinanggihan ito ng PDP at naiintindihan natin ito"
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Sa kabila ng pangyayaring ito, nilinaw naman niyang wala umano silang siniraan o dinungisan ang pangalan sa desisyon nilang ito.
"Pero gusto ko lamang na linawin, walang pangalan na sinisira o dinudungisan, walang sinasagasaan, walang inaagrabyado, inaaway, pinapaiyak o inaapi"
Muli ring pinasalamatan ni "Inday Sara" ang kanyang gma tagasuporta na nag-udyok sa kanya at naging dahilan ng kanyang pagtakbo sa national position.
Samantala, sa isang Facebook post naman ni Marcos, ang kanya mismong kumpirmasyon ng pakikipag-alyansa sa Mayora ng Davao City.
"Naitawid na namin ni Mayor Inday Sara Duterte ang proseso para sa inaasam-asam ng aming mga taga-suporta ang BBM-Sara 2022"
Narito ang kabuuan ng kanyang post:
Si Sara Duterte-Carpio ay ang kasalukuyang alkalde ng Davao City. Siya ay anak ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Matatandaang noong Oktubre 2, sa ganap na 4:15 ng hapon ay nagtungo ang kasalukuyang alkalde ng Davao City sa Comelec ng kanilang lugar upang pormal na magsumite ng kanyang certificate of candidacy sa parehong posisyon.
Subalit nito lamang Nobyembre 9, kasabay ni Mayor Sara na nag-withdraw ng kanilang kandidatura ang bunsong kapatid na si Baste Duterte na siyang tatakbo bilang alkalde ng kanilang lungsod.
Nito lamang Nobyembre 11, matapos dumalo sa kasalan ng anak ni Senator Bong Revilla, na dinaluhan din ni dating senador Bongbong Marcos, nanumpa na bilang kasapi ng Lakas-CMD si Inday Sara.
Dalawang araw matapos ang kaganapang ito, pormal nang naghain ng kanyang kandidatura sa pagkabise-presidente si Mayor Sara na halos kasabay naman ng resolusyong inilabas ng partido ni Marcos na Partido Federal ng Pilipinas patungkol sa pag-ampon at pag-endorso nila sa kasalukuyang alkalde ng Davao City.
Source: KAMI.com.gh