Pangulong Duterte, tatakbo umanong bise presidente sa Halalan 2022 ayon kay Andanar

Pangulong Duterte, tatakbo umanong bise presidente sa Halalan 2022 ayon kay Andanar

- Tatakbo bilang Bise Presidente ng Pilipinas sa Halalan 2022 si Pangulong Rodrigo Duterte

- Ito ay ayon sa kanyang Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar sa pamamagitan ng substitution

- Inaasahan umanong babalik sa Lunes, Nobyembre 15 ang pangulo upang mag-file ng kanyang certificate of candidacy

- Sakaling ito umano ay matuloy, makakatunggali ni Pangulong Duterte ang kanyang anak na si Mayor Sara Duterte na naghain na ng kanyang kandidatura

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Marami ang naging kaganapan sa Comelec ngayong araw at isa na rito ay ang pagdating ni Pangulong Rodrigo Duterte na sinamahan si Senator Bong Go sa pagbawi nito sa kanyang kandidatura sa pagka-bise presidente.

Nalaman ng KAMI na kaya binawi umano ni Go ang kanyang kandidatura ay upang tumakbo sa pagka-presidente ng bansa.

Pangulong Duterte, tatakbo umanong bise presidente sa Halalan 2022
Pangulong Rodrigo Duterte (Photo from Wikimedia Commons)
Source: UGC

Matapos ito, inanunsyo ni Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar ang umano'y paghahain ng kandidatura ni Pangulong Duterte sa pagka-bise presidente. Isasagawa raw ito sa pamamagitan ng substitution.

Read also

Bato Dela Rosa, binawi ang kandidatura bilang presidente sa darating na Halalan 2022

Sakaling ito ay matuloy, makakatunggali ni Pangulong Duterte ang kanyang anak na si Mayor Sara Duterte-Carpio na naghain na ng kanyang kandidatura sa pagka-bise presidente.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Mayor Sara na rin ang magiging running mate umano ni Dating Senator Bongbong Marcos matapos ilabas ng kanyang partido ang resolusyon ng pag-adopt at pag-endorso kay Sara sa darating na 2022 Elections.

Narito ang ilang mga naging kaganapan sa Comelec ngayong Nobyembre 13 na ibinahagi ng Rappler:

Si Christopher Lawrence Tesoro Go, na mas kilala bilang si Bong Go ay isa sa mga kasalukuyang senador sa bansa. Siya ang naging Special Assistant to the President (SAP) nang tumakbo ang Pangulong Duterte sa 2016 Elections at si Go rin ang naging Head of the Presidential Management Staff hanggang October of 2018.

Read also

Bong Go, tatakbo bilang pangulo sa darating na Halalan 2022

Sinasabing si Go ang nangunguna umano sa survey sa kung sino ang napupusuan ng publiko na maging bise presidente ng bansa. Isa siya sa mga maagang nag-file ng kanilang kandidatura isang buwan na ang nakararaan.

Kamakailan, naging emosyonal si Go sa kanyang naging speech sa dinaluhang pagtitipon sa Antipolo. Doon, nagpahiwatig na siya ng mga pagbabago sa kanyang kandidatura na makalipas lamang ang ilang araw, mula sa pagka-bise presidente at pagka-pangulo na ang posisyong nais makamit sa darating na halalan.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica