Taguig LGU, naglabas ng pahayag sa kontrobersyal na 911 response

Taguig LGU, naglabas ng pahayag sa kontrobersyal na 911 response

  • Naglabas ng paunang pahayag ang Lungsod Taguig kaugnay ng 911 response sa Maharlika Village matapos pumanaw ang isang pasyente, kasabay ng pakikiramay sa pamilya at pagtiyak ng pakikipagtulungan sa imbestigasyon
  • Ayon sa records, 12:17 p.m. noong Agosto 15 nang makatanggap ang Taguig Command Center ng tawag mula sa Unified 911 para sa ambulance assistance, ngunit kulang ang address na ibinigay kaya nahirapan ang responders sa pagtukoy ng eksaktong lokasyon
  • Sa kabila ng pagsubok na makipag-ugnayan sa caller at barangay, dinala ng Patient Transport Vehicle ng Maharlika ang pasyente sa Taguig-Pateros District Hospital kung saan siya binigyan ng medical intervention ngunit idineklarang pumanaw bandang 1:24 p.m.
  • Nag-utos ng agarang imbestigasyon ang Department of the Interior and Local Government (DILG) matapos maging viral ang social media post ng aktor at nursing graduate na si Basty Askri, na nagkuwento ng karanasan sa delayed response at kakulangan ng kagamitan ng emergency team

Inatasan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mabilisang imbestigasyon kaugnay ng nag-viral na social media post ng aktor at nursing graduate na si Basty Askri tungkol sa umano'y mabagal na pagresponde sa emergency call para sa kanyang 71-anyos na ama.

Read also

Derek Ramsay, nagsalita sa gitna ng isyu sa umano’y pekeng plaka

Taguig LGU, naglabas ng pahayag sa kontrobersyal na 911 response
Taguig LGU, naglabas ng pahayag sa kontrobersyal na 911 response (Image for illustrative purposes only. Generated by AI)
Source: UGC

Batay sa records, 12:17 p.m. noong Agosto 15 nang makatanggap ang Taguig Command Center ng tawag mula sa Unified 911 para sa ambulance assistance sa Maharlika Village. Gayunman, lot at block number lamang ang address na ibinigay ng 911, walang kasamang street address o landmark. Dahil dito, nahirapan ang responders na matukoy ang eksaktong lokasyon ng pasyente.

Sinubukan ng Command Center na tawagan ang contact number ng caller na ibinigay ng 911 ngunit hindi ito nasagot. Nakipag-ugnayan din sila sa Barangay Maharlika at Barangay Upper Bicutan para sa agarang tulong. Sa huli, dinala ng Patient Transport Vehicle ng Maharlika ang pasyente sa Taguig-Pateros District Hospital kung saan siya dumating ng 12:43 p.m. Agad siyang binigyan ng medical intervention ngunit idineklarang pumanaw bandang 1:24 p.m.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Samantala, nag-viral sa social media ang post ng aktor at nursing graduate na si Basty Askri, na nagkuwento ng kanilang karanasan sa delayed response. Ayon sa kanya, inabot ng halos 10 minuto bago masagot ang tawag sa emergency hotline. Habang naghihintay, patuloy niyang isinagawa ang CPR sa kanyang ama. Nang dumating ang responders, umano’y kulang sila sa kagamitan gaya ng Automated External Defibrillator (AED) at hindi agad nagpatuloy sa CPR.

Read also

15-anyos na estudyante, sugatan matapos tamaan ng pana sa Isabela

Nag-utos ng agarang imbestigasyon si DILG Secretary Jonvic Remulla. Kinumpirma niya ang timeline ng tawag mula 12:15 p.m. hanggang 12:17 p.m. at ang pag-relay ng kaso sa Taguig Command Center. Kasalukuyang iniimbestigahan ang mga lapses sa shift handovers at monitoring ng emergency response.

Sa panig ng Taguig City, iginiit nilang ang kakulangan ng address mula sa Unified 911 hotline ang naging pangunahing dahilan ng pagkaantala. Anila, paulit-ulit silang humingi ng kumpletong detalye ngunit hindi ito naibigay. Sa kabila ng lahat, nagpaabot ng pakikiramay ang lungsod sa pamilya at hiniling na mabigyan sila ng pagkakataong magluksa.

Nagsagawa ng simulation ang PNP sa 911 hotline na nagresulta sa isang live police operation. Ang insidente ay nagpakita ng kahalagahan ng mabilis na pagtugon sa mga emergency calls.

Isang 19-anyos na lalaki ang inaresto matapos mag-prank call sa 911 tungkol sa umano’y sunog. Ang insidente ay nagdulot ng pagkaantala sa mga tunay na emergency response.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate