Tatlong lalaki, inaresto sa Cavite dahil sa umano’y ilegal na pag-modify ng metro ng Meralco
- Inaresto ng CIDG RFU 4A at Meralco ang tatlong lalaki sa Cavite matapos mahuling nagkakabit ng ilegal na resistor device sa electric meter kapalit ng fixed monthly bill
- Inamin ng mga suspek na nasa 31 kabahayan na ang nakabitan nila ng tampered meters habang ang isa sa kanila ay napag-alamang ikatlong-partidong lineman ng Meralco
- Nagbabala ang mga awtoridad sa matinding peligro ng sunog at sa pagtaas ng system loss charges na pinapasa sa mga tapat na customer dahil sa ganitong ilegal na gawain
- Kasalukuyang kinakaharap ng mga suspek ang kaukulang demanda sa ilalim ng probisyon ng Republic Act No 7832 o Anti-Electricity and Electric Transmission Lines/Materials Pilferage Act of 1994
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Arestado sa Cavite ang tatlong lalaki matapos mahuli sa act ng pag-alok at pagkakabit ng mga ilegal na device sa mga Meralco electric meter para maibaba ang rehistro ng consumption sa kuryente.

Source: Facebook
Ayon sa pinuno ng Criminal Investigation and Detection Group Regional Field Unit 4A (CIDG RFU 4A) na si PCol. Ganaban Ali, nagsimula ang matagumpay na operasyon dahil sa reklamo mula sa Meralco matapos mag-alok ang mga suspek sa online ng "electric meter tampering services with device" sa halagang P15,000 bilang package price.
Ibinahagi rin ni Ali kung paano inakit ng mga suspek ang kanilang mga kliyente sa pagsasabing kaya nilang i-calibrate ang resistor sa loob ng meter depende sa gustong bayaran ng customer buwan-buwan.
“So ibig sabihin, ‘pag ang gusto ng customer, P1,500 lang ang maging electric bill niya monthly, ay magiging fixed na po ‘yun sa kasunod pang mga buwan,” pahayag ni Ali.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Actual na nahuli ang mga suspek habang nagkakabit ng nasabing resistor sa loob ng Meralco electric meter. Nakuha sa lugar ang sinasabing tampered meter, mga resistor device, at iba't ibang kagamitan na ginagamit sa pagmodipika ng linya.
Dahil sa pag-amin ng mga suspek na humigit-kumulang 31 bahay na ang kanilang naiservisan, agad na kumilos ang mga awtoridad para matunton ang mga ito.
“Ito po ngayon ang tini-trace namin ng PNP at ng Meralco para po matunton natin ‘yung mga household na nakabitan na po nila,” ayon pa kay Ali.
Nalaman din sa imbestigasyon na ang isa sa mga nahuli ay isang electrician na nagtrabaho rin bilang third-party lineman ng Meralco. Dahil dito, nanawagan ang CIDG chief sa kompanya ng kuryente.
“Ang panawagan po namin sa Meralco na lahat po ng mga third party na nagtatrabaho sa kanila, ay i-double check po natin ito para matuldukan na, matapos na po ang mga electrical tampering na mga ginagawa nila,” dagdag pa niya.
Nagpaalala rin ang mga awtoridad sa matinding peligro ng pagtatangka sa mga linya ng kuryente dahil sa banta ng over-loading, short circuit, at aksidente sa sunog. Binigyang-diin din ni Ali na ang ganitong pagnanakaw ng kuryente ay nagdudulot ng system loss na kalaunan ay pinapasa at pinapasan ng mga ordinaryong mamamayan.
“Dahil po sa ginagawa ng ating mga kababayan, gumagawa ng mga ilegal, ang nagsa-suffer po ay ang ating mga kababayan na walang kamuang-muang. Nagtataka na lang sila na tumataas po ang mga electric bill nila dahil sa mga system losses,” giit ni Ali.
Kasalukuyan nang nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act No. 7832 o Anti-Electricity and Electric Transmission Lines/Materials Pilferage Act of 1994.
Ang isyu ukol sa bayarin sa kuryente at Meralco bills ay madalas na nagiging mainit na talakayan lalo na kapag kilalang personalidad ang sangkot.
Naging usap-usapan sa social media ang ginawang pagbabahagi ng aktres na si Kitkat Favia ukol sa kanyang mataas na billing. Ginawa niya ang pahayag matapos mag-viral din ang post ng komedyanteng si Jayson Gainza tungkol sa biglaang pagtaas ng kanilang buwanang bayarin sa kuryente.
Hindi rin nagpahuli ang sikat na businesswoman na si Rosmar Tan sa pagpapahayag ng kanyang pagkagulat sa natanggap na bill. Hindi siya makapaniwala sa kabuuang halaga ng kanyang Meralco bills na umabot sa six digits para sa kanyang mga ari-arian at negosyo.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh


