Dayuhang lalaki, nasawi matapos ang insidente ng pamamaril sa Teresa, Rizal
- Isang 35-anyos na dayuhang lalaki ang nasawi matapos ang insidente ng pamamaril sa Barangay San Roque, Teresa, Rizal, noong Biyernes ng gabi
- Ayon sa pulisya, sinisiyasat ang insidente bilang umano'y robbery with hómicide at gumagamit ng CCTV footage upang matukoy ang mga suspek
- Bumuo na ang Rizal Police Provincial Office ng Special Investigation Task Group upang pabilisin ang imbestigasyon at pagtugis sa mga responsable
- Patuloy ding bineberipika ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan at nasyonalidad ng biktima habang inaalam ang iba pang detalye ng insidente
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad matapos masawi ang isang 35-anyos na dayuhang lalaki sa isang insidente ng pamamaril sa F.C. Francisco Street, Barangay San Roque, Teresa, Rizal, noong Biyernes ng gabi.

Source: UGC
Batay sa paunang imbestigasyon ng Teresa Municipal Police Station, nakuhanan ng CCTV ang kilos ng dalawang suspek na magkasakay sa isang motorsiklo bago naganap ang insidente.
Ayon sa pulisya, lumilitaw sa imbestigasyon na nagkaroon muna ng tangkang pagkuha sa mga personal na gamit ng biktima. Sa video footage, makikita ring umalis ang motorsiklo bago muling bumalik sa lugar.
Sinabi ni PMaj. Rodiard Dela Peña, hepe ng Teresa Municipal Police Station, na hindi naging matagumpay ang unang tangka ng mga suspek.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
“Hindi naging successful ‘yong unang attempt ng suspek. Hinabol pa niya. Tinusok pa niya ng payong. No’ng napansin niya na binalikan siya, ang ginawa niya pumorma din siya, sinugod din niya.”
Isang residente rin ang nakasaksi sa bahagi ng insidente at nagbigay ng salaysay sa mga imbestigador.
“Paglabas ko ‘yong foreigner, andiyan na sa may poste. Sinabihan ko pa nga siya ng ‘what’s up’. Hindi siya lumingon, tapos ang sabi niya ‘come on, come on’. No’ng lingunin ko, ‘yong lalaki, sinalubong na siya tapos sabay bunot ng baril, pinutukan na agad ‘yong tao.”
Dagdag pa ng saksi:
“Ilang beses pang nabagok ‘yong ulo ng biktima kasi makapal ‘yong alahas. Hindi ko naman siya maano kasi may hawak rin siyang baril. ‘Yong safety ko pa rin ang inaalaala ko.”
Ayon sa Scene of the Crime Operatives (SOCO), nagtamo ng mga tama ng bala ang biktima na naging sanhi ng kanyang pagkamatay.
“Sa inisyal ng SOCO, isa dito sa balikat sa may parang sa braso, kanan. Isa dito sa pisngi. According sa [investigation] sir, [calibre] .45 kaya natumba siya.”
Bilang tugon, bumuo ang Rizal Police Provincial Office ng Special Investigation Task Group (SITG) upang tutukan ang kaso at mapabilis ang pagkilala at pagdakip sa mga suspek.
Patuloy ring sinusuri ng pulisya ang lahat ng CCTV recordings at iba pang ebidensiya na maaaring makatulong sa imbestigasyon.
Kasabay nito, patuloy ding bineberipika ng Teresa PNP ang nasyonalidad ng biktima. Nagtungo rin ang mga mamamahayag sa tinutuluyang apartment ng dayuhan, ngunit wala roon ang kanyang asawa nang oras na iyon.
Hinihikayat ng pulisya ang sinumang may impormasyong makatutulong sa kaso na makipag-ugnayan sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya.
Kamakailan, isang babae ang nakuhanan sa CCTV matapos umanong tangayin ang P2,000 na pambili ng gamot at isang cellphone. Ang insidente ay nagdulot ng takot sa mga residente at nagpaalala sa kahalagahan ng seguridad sa komunidad.
Sa isa pang insidente sa Rizal, isang 42-anyos na tricycle driver ang nasawi matapos saksakin ng kapitbahay. Ayon sa mga ulat, nag-ugat ang away sa personal na alitan na nauwi sa trahedya.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh


