Aurora rescue team ikinuwento ang pagsagip sa Ateneo players

Aurora rescue team ikinuwento ang pagsagip sa Ateneo players

  • Pinuno ng rescue team sa Dipaculao, Aurora ikinuwento ang kanilang pagsisikap na sagipin sina Ateneo Blue Eagles players Rene Baterbonia at Divine Adili sa team-building activity noong Hunyo 8
  • Ayon kay Angel Librero ng MDRRMO Dipaculao, nakatanggap sila ng distress call bandang 3:04 p.m. at dumating sa resort makalipas ang anim na minuto upang tumulong sa paghahanap
  • Ikinuwento ni Librero na una nilang narekober si Baterbonia bago malaman na may isa pang nawawala, dahilan upang muling sumisid ang mga rescuer sa tubig
  • Nilinaw ng rescue team na walang pabigat o sugat na nakita sa katawan ng mga biktima at ang tali sa paa ni Baterbonia ay bahagi ng salbabida, habang posibleng dulot ng malakas na current ang mga gasgas sa katawan

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Ikinuwento ng pinuno ng rescue team sa Dipaculao, Aurora ang kanilang naging karanasan sa pagsagip sa mga Ateneo Blue Eagles players na sina Rene Baterbonia at Divine Adili, na nasawi sa isang team-building activity noong Hunyo 8.

Read also

Vice Ganda sumagot sa isyu ng BTS tickets, may matinding pahayag

Aurora rescue team ikinuwento ang pagsagip sa Ateneo players
Aurora rescue team ikinuwento ang pagsagip sa Ateneo players (📷Rene Clert Baterbonia/Facebook)
Source: Facebook

Sa panayam ng ABS-CBN News, sinabi ni Angel Librero ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) na nakatanggap sila ng distress call bandang 3:04 p.m. at agad na tumugon. “Nag-interview rin po ako dun sa mga kasamahan po nila kasi wala po kami kaalam-alam don sa identity po nung nalunod. And then po, ang sinabi po nila sa amin ay wala pong damit,” ani Librero.

Pagdating nila sa resort, nakita nila ang mga atleta at lifeguard na naghahanap sa tubig. “Noong nakuha na po namin si Baterbonia, may bumulong po sa akin na may isa pa daw po. ‘Yon po, saka po po sinabi ulit do’n sa kasamahan ko po na meron pang isa. So, bumalik po ulit siya do’n sa tubig. ‘Yon po, nagsigawan na po sila na, ‘There's more, there's more,’” dagdag pa niya.

Narekober si Baterbonia bandang 3:40 p.m., habang si Adili ay natagpuan makalipas ang lima hanggang pitong minuto, mga tatlong fathoms lamang ang layo sa unang biktima. Ayon kay Librero, parehong naka-shorts lamang ang mga atleta nang sila ay maiahon. “Noong na-recover po namin yun, nakalutang na po sila… Wala po talaga kami nakita ang sign po na nahinga po kasi noong pagtingin po namin talaga unstable na po kaya agad po akong nagsabi na i-transfer na po kaagad,” aniya.

Read also

CCTV footage, nakuha na sa kaso ng pagkamatay ng Ateneo players sa Aurora

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Agad na isinagawa ang CPR at dinala ang mga biktima sa Aurora Memorial Hospital. Nilinaw din ni Librero na walang pabigat sa paa o sugat na nakita sa katawan ng mga atleta. “Noong nakakuha po siya nung responder ko po, wala naman po siyang pabigat sa paa. ‘Yong sinasabi po nilang weight sa paa, wala po. And then po yung katawan po niya malinis po. Naka-short lang po talaga siya,” paliwanag niya.

Tungkol naman sa tali na nakita sa paa ni Baterbonia, sinabi ni Librero na bahagi ito ng salbabida. “And then ‘yong sinasabi po nilang tali na nanggaling po sa paan ni Baterbonia, ‘yon po ‘yong tali po ng salbabida po. Doon po kasi nakatali yung salbabida. Mahaba po kasi yung tali ng salbabida,” aniya.

Ipinaliwanag din ni Librero na posibleng magkaroon ng pasa o gasgas ang mga nalunod dahil sa lakas ng agos sa ilalim ng dagat. “Possible po ‘yon. Kasi sa lakas po ng current na humihila po sa kanila pa ilalim, ‘yong buhangin po na magagaling po doon sa ilalim po ng dagat, possible po na doon po nila makukuha ‘yong pasa and then may gasgas. Kasi ‘yong sa lakas po ng current po, hindi mo na po alam, gugulong-gulong ka na po kasi doon,” dagdag niya.

Read also

Melai Cantiveros, taos-pusong pasasalamat kay Kim Chiu sa tulong sa GenSan

Batay sa paunang imbestigasyon, posibleng tinangay ng rip current sina Adili at Baterbonia habang nagsasagawa ng team-building activity. Ayon sa resort management, ilang beses nang nagsagawa ng aktibidad sa lugar ang Ateneo Blue Eagles. “According naman po dun sa resort po, pang-apat na po nila. Punta na po nila dyan. Dito sa lugar. Parang fourth batch na po sila kung di ako nagkakamali,” ani Librero.

Ang insidente ay nagdulot ng matinding lungkot sa komunidad ng Ateneo at sa mga pamilya ng mga biktima. Sa mga nakaraang araw, lumabas ang mga kaugnay na balita na nagbigay ng karagdagang detalye sa trahedya.

Sa isang artikulo ng Kami.com.ph, nagsalita ang ama ni Divine Adili tungkol sa biglaang pagkawala ng anak. Ibinahagi niya ang huling tawag ni Divine bago ang insidente at ang matinding hinanakit ng pamilya sa nangyari.

Sa isa pang ulat ng Kami.com.ph, nanawagan si dating Ateneo player Chibueze Ikeh kay coach Tab Baldwin kaugnay ng insidente. Ipinahayag niya ang kanyang pag-aalala at panawagan para sa mas mahigpit na safety measures sa mga aktibidad ng koponan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate