CCTV footage, nakuha na sa kaso ng pagkamatay ng Ateneo players sa Aurora

CCTV footage, nakuha na sa kaso ng pagkamatay ng Ateneo players sa Aurora

  • Aurora police, nakakuha ng CCTV footage mula sa resort, rescuers, at DRRMO na ngayon ay sumasailalim sa forensic examination bilang bahagi ng imbestigasyon sa pagkamatay ng Ateneo players Rene Baterbonia at Divine Adili
  • Batay sa paunang findings, itinuturing pa rin ng mga awtoridad na aksidenteng pagkalunod ang nangyari, at walang indikasyon ng foul play o anumang palatandaan ng karahasan sa katawan ng mga biktima
  • Ayon sa mga rescuers at lifeguard, ang dalawang manlalaro ay nasangkot sa sea-based activity nang biglang tangayin ng malakas na rip current patungo sa mas malalim na bahagi ng dagat
  • Bagama’t nananatiling classified bilang aksidente ang kaso, patuloy pa ring iniimbestigahan ng mga awtoridad ang posibleng negligence ng resort management at iba pang kaugnay na partido

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Nakakuha na ng CCTV footage ang Aurora Provincial Police Office kaugnay sa pagkamatay ng Ateneo de Manila University basketball players na sina Rene Baterbonia at Divine Adili. Ayon kay Police Major Lorena Bautista, tagapagsalita ng Aurora police, ang mga video ay mula sa resort, mga rescuers, at lokal na disaster response office. “We already retrieved the CCTV footage from the rescuers and DRRMO as well as the resort. At ito po ay currently undergoing forensic examination,” ani Bautista sa panayam ng Super Radyo dzBB.

Read also

Melai Cantiveros, taos-pusong pasasalamat kay Kim Chiu sa tulong sa GenSan

CCTV footage, nakuha na sa kaso ng pagkamatay ng Ateneo players sa Aurora
CCTV footage, nakuha na sa kaso ng pagkamatay ng Ateneo players sa Aurora (📷 Rene Clert Baterbonia/FB)
Source: Facebook

Batay sa paunang imbestigasyon, itinuturing pa rin ng mga awtoridad na aksidenteng pagkalunod ang nangyari. Wala umanong nakitang indikasyon ng foul play, at walang nakitang bigat o weights na nakakabit sa katawan ng mga biktima. Dagdag pa ng mga rescuers mula sa Dipaculao Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office at resort lifeguard, ang dalawang manlalaro ay kasali sa sea-based activity nang biglang tangayin ng malakas na rip current patungo sa mas malalim na bahagi ng dagat.

Ang insidente ay naganap bandang 2:40 ng hapon noong Lunes. Narekober si Baterbonia dakong 3:35 p.m. at si Adili naman ay 3:45 p.m. Dinala sila sa Aurora Memorial Hospital ngunit hindi na na-revive. Ayon kay Bautista, normal ang weather conditions noong oras ng insidente.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Bagama’t nananatiling classified bilang aksidente ang kaso, sinabi ng Aurora police na patuloy pa rin ang imbestigasyon sa posibleng negligence ng resort management at iba pang kaugnay na partido. “Kaya yung ating different law enforcement agencies are working together para po makita kung mayroon pong negligence po itong mga involved po na mga establishment and the school administration,” dagdag ni Bautista.

Read also

Pulisya nilinaw: walang weights sa katawan nina Rene Baterbonia at Divine Adili

Si Rene Baterbonia ay kilalang manlalaro ng Ateneo na may pangarap na maiangat ang kanyang pamilya sa pamamagitan ng basketball. Si Divine Adili naman ay isa ring player na bahagi ng team-building activity sa Aurora. Ang kanilang biglaang pagkamatay ay nagdulot ng matinding kalungkutan sa komunidad ng Ateneo at sa kanilang mga pamilya.

Kamakailan, naging emosyonal ang ina ni Rene Baterbonia nang bumisita sa chapel ng Arlington Funeral Home. Sa ulat ng Kami.com.ph, napahagulgol siya habang binisita ang labi ng anak, na nagpakita ng matinding dalamhati ng pamilya sa biglaang pagkawala ni Rene.

Bukod dito, nagbigay ng reaksyon ang high school coach ni Rene Baterbonia sa mga lumalabas na spekulasyon ukol sa ankle weights. Sa ulat ng Kami.com.ph, nilinaw ng coach na walang katotohanan ang mga haka-haka at nanawagan ng respeto para sa pamilya at sa alaala ng kanyang dating player.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate