Ama ng batang biktima, nilinaw ang tunay na kondisyon matapos ang operasyon

Ama ng batang biktima, nilinaw ang tunay na kondisyon matapos ang operasyon

  • Ama ng biktima nilinaw na ligtas pa rin ang kidney ng kanyang anak
  • Bituka lamang ang tinanggal sa operasyon ayon sa update ng ama
  • Bata nakatakdang sumailalim sa bowel transplant para sa normal na pamumuhay
  • Suspek nananatili sa kustodiya ng pulisya habang iniimbestigahan ang motibo

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Muling nagbigay ng update si Jemuel Muleta, ama ng limang taong gulang na batang biktima ng karahasan sa Navotas City. Sa kanyang Facebook post nitong Abril 6, 2026, nilinaw niya ang tunay na kondisyon ng anak matapos ang operasyon.

Ama ng batang biktima, nilinaw ang tunay na kondisyon matapos ang operasyon
Ama ng batang biktima, nilinaw ang tunay na kondisyon matapos ang operasyon (đź“·Pixabay)
Source: Facebook

Ayon kay Jemuel, taliwas sa nauna niyang pahayag, hindi nawalan ng kidney ang kanyang anak. “SALAMAT PANGINOON SADYANG KAY BUTI MO Sa sobrang tuliro namin medyo dina kame makausap nang maayus mali pagkakaintindi namin, safe yung kidney ni Francis bali BITUKA n’ya lang po yung nawala. Maraming Salamat po Panginoon,” ani Jemuel sa kanyang post.

Noong Abril 5, ibinahagi rin ng ama na sumailalim na sa operasyon ang bata at sinabi niyang isa na lang ang kidney ng anak. “Tinangal po yung mga sirang organ po sa katawan nya dahil sa nangyaring mananakit sa kanya nawalan po sya nang BITUKA at isa nalang po ang KIDNEY n’ya pero patuloy po syang lumalaban tinangal nadin po yung tubo sa bibig nya na tumutulong sa paghinga n’ya nakakahingan napo siya nang sarili nya medyo naninibago papo siya kaya may time na nahihirapan siya huminga,” saad niya noon.

Read also

Toni Fowler, nagsalita matapos akusahan ng pagiging “masyadong tipid” sa anak

Sa pinakabagong update, nilinaw ng ama na ligtas pa rin ang kidney ng bata, ngunit nawalan ito ng bituka. Dahil dito, nakatakda siyang sumailalim sa bowel transplant upang makapamuhay nang normal. “Pakatatag pa tayu anak gagaling ka din mag papa bowel transplant kapa para mabuhay ka nang normal,” dagdag pa ni Jemuel.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Samantala, nananatili sa kustodiya ng pulisya ang 20 taong gulang na suspek. Ayon sa mga awtoridad, iniimbestigahan pa ang motibo ng ginawa ng suspek. Pinaghihinalaan umano nilang may kakaibang kondisyon ito, dahil tila balewala lang sa kanya ang pag-amin sa krimen. Lumalabas din sa imbestigasyon na kapitbahay lang ng biktima ang suspek at madalas pa silang nakakapaglaro kasama ng ibang bata sa lugar.

Noong Marso 31, natagpuan ang bata sa isang bakanteng lote sa Navotas City. Siya ay naghihingalo nang makita, at agad na isinugod sa ospital. Matapos ang operasyon, patuloy siyang lumalaban at nakikitang may pag-asa na makarekober.

Ang kaso ng batang biktima ay isa sa mga insidente na muling nagbigay-diin sa pangangailangan ng mas mahigpit na proteksyon para sa mga bata sa komunidad. Si Jemuel Muleta, bilang ama, ay patuloy na nagbibigay ng update sa publiko upang ipakita ang kalagayan ng kanyang anak at upang humingi ng panalangin at suporta. Ang kanyang mga post ay nagiging daan upang maiparating ang tunay na sitwasyon ng kanilang pamilya.

Read also

Tyronia Fowler, ipinagtanggol ang ina na si Toni Fowler sa gitna ng batikos

Bukod sa kasong ito, kamakailan ay naging laman din ng balita ang iba pang insidente ng karahasan laban sa mga bata. Narito ang ilang artikulo mula sa Kami.com.ph:

Sa isang artikulo, umamin ang suspek sa pagpaslang sa dalawang bata sa Morong. Ang insidente ay nagdulot ng matinding panawagan para sa hustisya mula sa publiko.

Sa isa pang artikulo, iniimbestigahan ang kaso ng isang limang taong gulang na natagpuang wala nang buhay sa isang sapa. Ang batang pinsan ang pangunahing iniimbestigahan ng mga awtoridad kaugnay sa insidente.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate