InDrive, may P2.7-million na sorpresang tulong para sa mga partner drivers nito

InDrive, may P2.7-million na sorpresang tulong para sa mga partner drivers nito

  • Naglabas ng P2.7-million fuel voucher program ang ride-hailing app na inDrive para sa kanilang mga aktibong partner drivers sa bansa
  • Layunin ng nasabing inisyatibo na dagdagan ang tulong mula sa gobyerno at maibsan ang bigat ng patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo
  • Ipinakilala rin ang tinatawag na "Purple Zones" kung saan bababa sa isang porsyento na lamang ang kukunin na service fee mula sa mga tsuper
  • Tiniyak ng kumpanya na hindi mababawasan ang kita ng mga drayber dahil sila na ang sasagot sa mga mandatory discounts para sa mga senior at estudyante

Sa gitna ng tila walang humpay na pag-arangkada ng presyo ng krudo, isang magandang balita ang bumungad sa mga Transport Network Vehicle Service (TNVS) drivers ngayong Biyernes. Inanunsyo ng ride-hailing platform na inDrive ang kanilang relief package na layong protektahan ang kita ng mga tsuper habang pinapanatiling patas ang pamasahe para sa mga komyuter.

InDrive, may P2.7-million na sorpresang tulong para sa mga partner drivers nito
InDrive, may P2.7-million na sorpresang tulong para sa mga partner drivers nito
Source: Original

Sentro ng nasabing tulong ang P2.7-million fuel voucher program na disenyo para madagdagan ang P5,000 na subsidiya mula sa gobyerno. Ayon kay Sofia Guinto, ang inDrive Philippines Country Manager, ramdam nila ang hirap ng mga nasa kalsada. “Naiintindihan namin gaano kabigat ang epekto ng patuloy na pagtaas ng fuel prices sa mga partner drivers namin—lalo na’t bawat biyahe ang source nila ng kabuhayan,” aniya.

Read also

Epekto ng patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo, iniinda ng mga driver

Bukod sa vouchers, nagpalawak din ang kumpanya ng partnership sa SeaOil para sa mga digital loyalty discounts. Pero ang pinaka-inaabangan ng marami ay ang pagpapakilala sa "Purple Zones." Sa mga lugar na ito na mataas ang demand, ang service fee ng kumpanya ay bababa sa nominal na 1 percent—halagang hamak na mas mababa kumpara sa ibang app. Dagdag pa ni Guinto, “We want our partner drivers and passengers to know that naririnig po namin ang inyong mga concern, and we are committed to supporting your well-being.”

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ang inDrive ay kilala sa industriya dahil sa kakaibang modelo nito kung saan pwedeng mag-negosasyon ng pamasahe ang drayber at pasahero. Sa gitna ng panawagan ng maraming tsuper sa ibang apps na babaan ang mga chinacharge na fees, ang hakbang na ito ng inDrive ay isang malaking ginhawa. Tiniyak din nila na ang mga 20-percent discount para sa mga senior citizens, PWD, at estudyante ay buong sasagutin ng platform para hindi ito mabawas sa take-home pay ng mga tsuper.

Dahil sa mga hamong ito sa sektor ng transportasyon, hindi rin naiwasang magpahayag ng saloobin ang ilang kilalang personalidad at mga tsuper na direktang apektado ng krisis.

DJ Chacha, naglabas ng saloobin sa fuel subsidy sa gitna ng taas-presyo ng petrolyo. Sa gitna ng usapin ng ayuda, hindi nakatiis ang sikat na radio personality na si DJ Chacha na magbigay ng kaniyang opinyon. Binigyang-diin niya ang sitwasyon ng mga drayber na umaasa sa subsidiya para lamang makaraos sa araw-araw na pasada. Ang kaniyang post ay naging mitsa ng diskusyon online tungkol sa kung sapat nga ba ang tulong na natatanggap ng ating mga transport workers.

Read also

Miss Glenda ng Brilliant Skin, may mahalagang pag-amin sa kanyang supporters

Isang drayber, ibinahagi ang kurot sa pusong resulta ng kanyang maghapong pamasada. Isang viral na post naman mula sa isang pagod na tsuper ang nagpakita ng reyalidad sa kalsada matapos niyang ipakita ang kakarampot na kinita sa maghapon. Sa kabila ng mahabang oras sa pagmamaneho, halos pambili lang ng isang kilong bigas ang natira sa kaniya matapos ibawas ang krudo at boundary. Ang kuwentong ito ang nagpapatunay kung gaano kaimportante ang mga inisyatibong tulad ng fuel vouchers sa kasalukuyan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate