Epekto ng patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo, iniinda ng mga driver

Epekto ng patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo, iniinda ng mga driver

  • Dahil sa sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo ay mas pinipili na ng ilang jeepney driver ang hindi na muna pumasada sa kalsada
  • Isang tsuper ang nagbahagi na sa kabila ng maghapong pagtatrabaho ay halos wala na siyang naiuuwing kita matapos ibawas ang panggatong at boundary
  • Marami sa mga driver ang umaasa na lamang sa mga commissioned trips o kaya ay sa Libreng Sakay program ng pamahalaan para matiyak ang sapat na kita
  • Kasalukuyan nang isinasagawa ng DSWD ang pamabahagi ng cash assistance para sa mga apektadong tsuper kung saan inuuna ang mga tricycle drivers

Sa gitna ng nararanasang sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo, tila mas pinipili na ng ilang jeepney driver ang manatili na lang sa bahay kaysa pumasada. Sa ulat ni Mark Salazar sa 24 Oras ng GMA, nabatid na marami ang dumadaing dahil hindi na sapat ang kanilang kinikita para tapatan ang mahal na presyo ng krudo at bilihin.

Read also

Miss Glenda ng Brilliant Skin, may mahalagang pag-amin sa kanyang supporters

Epekto ng patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo, iniinda ng mga driver
Epekto ng patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo, iniinda ng mga driver
Source: Original

Isa sa mga nakapanayam ay si Benny Medina, isang driver na nagbahagi ng kanyang naging karanasan noong nakaraang Miyerkules. Ayon sa kanya, mula umaga hanggang gabi ay pumasada siya ngunit ang natira sa kanyang bulsa ay nagkakahalaga lamang ng P56. Ang halagang ito ay kulang pa para makabili ng isang kilong bigas na nasa P60 na ang presyo ngayon.

Ibinahagi ni Medina ang kanyang naging gastusin sa nasabing araw: “Ang diesel ko kahapon P1,200 maghapon tapos ang kinita ko 'yung sumobra, P56 pesos kasama na barya. Tapos nagboundary lang ako.” Dahil sa liit ng naiuuwi, minabuti na lang ni Benny na maghintay ng mga special o commissioned trips kaysa mag-ikot sa ruta na halos wala namang pasahero dahil sa work-from-home setup ng ibang empleyado.

Si Benny ay isa lamang sa maraming tsuper na pilit iginagapang ang pamilya sa gitna ng krisis. Bukod sa taas ng langis, kailangan din nilang harapin ang kompetisyon sa kalsada at ang obligasyong makapag-abot ng "boundary" sa kanilang mga operator araw-araw. Dahil sa gipit na sitwasyon, naibahagi rin niya ang pangungutang sa mga "5-6" lenders para lamang maitawid ang pangangailangan.

Read also

Sachzna Laparan, nag-abot ng tulong sa mga motorista bilang pasasalamat sa kanyang graduation

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa kabilang banda, kahit lugi ay patuloy pa ring pumapasada si Antonio Escabas sa Montalban, Rizal. Sa ulat, sinabi niyang nasa P100 hanggang P150 na lang ang naiuuwi niya—halagang pambili lang daw ng pagkain at sigarilyo. Dahil hindi makaabot sa boundary, nakikiusap na lang siya sa kanyang operator na ituring na utang ang kakulangan ng kanyang pambayad.

Sa ngayon, marami sa mga tsuper ang umaasa sa Libreng Sakay program dahil mas garantisado ang kita rito. Ayon kay Medina, “P1,000 araw-araw nakakaraos ka. Okay na yun kesa wala sa ngayon nagshoshort ka.” Sa kasalukuyan, tinatrabaho na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pag-abot ng tulong pinansyal para sa mga PUV drivers upang maibsan ang hirap na dulot ng mahal na langis.

Bago pa man ang mga kuwentong ito ng pagsisikap, marami nang personalidad ang nagpahayag ng kanilang suporta at saloobin para sa mga apektadong motorista sa bansa.

Read also

Isang drayber, ibinahagi ang kurot sa pusong resulta ng kanyang maghapong pamasada

Nagpahayag ng kanyang opinyon ang sikat na radio personality na si DJ Chacha tungkol sa ipinamahagi na fuel subsidy para sa mga driver. Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng mabilis na aksyon sa gitna ng hirap na dinaranas ng mga manggagawa sa kalsada. Ang post na ito ay umani ng iba't ibang reaksyon mula sa mga netizen na sumasang-ayon sa kanyang punto.

Sa kabilang banda, isang positibong balita naman ang ibinahagi ng content creator na si Sachzna Laparan matapos siyang magbigay ng tulong sa mga motorista. Bilang pasasalamat sa kanyang pagtatapos sa pag-aaral, nag-abot siya ng kaunting biyaya para sa mga naghahanap-buhay sa kalsada. Ipinakita nito ang malasakit ng ilang kilalang tao sa gitna ng krisis sa presyo ng langis.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate