Wanted na si Atong Ang, posibleng nasa Cambodia ayon kay DILG Sec. Remulla
- Sinabi ng DILG na may ulat na nasa Cambodia umano si Atong Ang, pero hindi pa ito kumpirmado
- Ayon kay Sec. Jonvic Remulla, posible pa ring nasa Pilipinas ang negosyante
- Pinoproseso na ng gobyerno ang kanselasyon ng pasaporte ni Ang para hindi siya makalabas ng bansa
- Patuloy ang paghahanap sa kaniya kaugnay ng kaso ng mga nawawalang sabungero
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Source: Facebook
Inilahad ni Department of the Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla na may natatanggap silang impormasyon na nasa Cambodia umano ang negosyanteng si Charlie Atong Ang. Ayon sa kaniya, raw information pa lamang ito at kailangan pang beripikahin. Dagdag ni Remulla, may kaugnayan umano ito sa pagtatayo ni Ang ng online sabong sa naturang bansa.
Gayunman, sinabi ng kalihim na naniniwala pa rin ang mga awtoridad na maaaring nasa loob pa rin ng Pilipinas si Ang. Kasalukuyan na ring inaasikaso ang kanselasyon ng kaniyang pasaporte upang hindi na siya makabiyahe palabas ng bansa. Kapag nakumpirma raw na nasa Cambodia si Ang, maaaring hilingin ng Pangulo ang tulong ng gobyerno roon para sa kaniyang pag-aresto.
Inihalintulad ni Remulla ang sitwasyon sa naging kaso ni dating Negros Oriental Representative Arnolfo Arnie Teves Jr., na naaresto sa Timor-Leste at ibinalik sa Pilipinas. Ayon sa kalihim, posible ring gawin ang kaparehong hakbang laban kay Ang kung kinakailangan.
Kaugnay ng mga nawawalang sabungero, sinabi ni Remulla na may mga natanggap nang tip ang mga awtoridad matapos mag-alok ng P10 milyong pabuya. Umabot na sa walong operasyon ang isinagawa, ngunit hindi pa rin natutunton ang negosyante.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
May inilabas nang arrest warrant laban kay Ang at sa iba pang sangkot dahil sa mga kasong kidnapping with homic*de at serious illegal detention. Si Ang na lamang ang akusadong patuloy na pinaghahanap. Pinabawi na rin ang kaniyang mga lisensiya sa armas, kung saan lima pa lamang sa anim na baril ang naisusuko.
Hiniling na rin ng Pilipinas ang paglalabas ng Interpol red notice laban kay Ang. Samantala, itinanggi ng negosyante ang lahat ng paratang laban sa kaniya, habang sinabing kuwestiyonable umano ang arrest warrant ayon sa kaniyang abogado.
Basahin ang naisulat na balita ng GMA News Online 'BalitamBayan' dito upang malaman ang iba pang mga detalye tungkol sa ulat na ito:
Sa naunang lokal na ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlong miyembro ang walang awang binaril at pinatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Nakuhanan ng CCTV ang tatlong lalaki na pumasok sa tindahan, isinara ang roll-up door, at pagkatapos ay binaril hanggang mamatay ang buong pamilya. Bago tumakas, kinuha pa ng isa sa mga suspek ang isang bag at cellphone ng mga biktima. Ayon sa ulat ni Gary De Leon ng TV5 Frontline Pilipinas, nagsimulang makatanggap ng banta ang pamilya matapos silang magpahiram ng P1-M sa isang residente sa kanilang barangay, na umano’y ginamit ang pera para sa negosyo.
Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na public school teacher sa Las Piñas City ang pinagsasaksak nang maraming beses ng sariling asawa. Base sa ulat ni EJ Gomez sa Unang Balita, nagawa ng 38-anyos na suspek ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Sinabi ng pulisya na may security guard ang eskwelahan, pero dahil pamilyar na mukha ang suspek, madali siyang nakapasok at nakalabas. Sabi ng suspek, pumunta siya roon para kausapin ang kanyang asawa at ayusin ang kanilang alitan, pero nauwi ito sa matinding pagtatalo.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh

