Pulis, sugatan matapos saksakin ng kabaro sa loob mismo ng Camp Crame

Pulis, sugatan matapos saksakin ng kabaro sa loob mismo ng Camp Crame

  • Isang pulis ang nasugatan matapos saksakin ng kapwa pulis sa loob ng Camp Crame sa Quezon City
  • Nangyari ang insidente habang naghahanda ang mga pulis para sa isang hearing sa piskalya
  • Kapwa nasa restricted custody ang biktima at ang suspek dahil sa hiwalay na kaso
  • Inaresto ang suspek at sasailalim sa imbestigasyon at pagsusuri

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Kat Wilcox on Pexels
Kat Wilcox on Pexels
Source: Original

Isang pulis ang nasugatan matapos siyang saksakin ng kapwa niya pulis sa loob ng Camp Crame sa Quezon City noong Martes ng umaga.

Kinumpirma ito ng Criminal Investigation and Detection Group.

Kinilala ang biktima na si Police Executive Master Sergeant Eric Castro.

Ang suspek naman ay si Police Senior Master Sergeant Michael Camillo.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Naganap ang insidente bandang 7:30 ng umaga sa kusina ng Anti-Organized Crime Unit.

Nasa lugar ang mga pulis dahil naghahanda sila para sa preliminary investigation sa Quezon City Prosecutor’s Office.

Ayon sa mga saksi, nag-aalmusal ang ilang pulis nang pumasok sa kusina si Castro.

Read also

Male singer, namatay sa plane crash ilang oras lang bago ang kanyang concert

Ilang sandali ang lumipas ay sumunod si Camillo. Kapwa sila nasa restricted custody dahil sa kinahaharap na kaso kaugnay ng umano’y pagnanakaw ng ebidensiya sa isang POGO raid sa Bataan noong 2024.

Sa ulat, bigla umanong bumunot ng kutsilyo si Camillo. Lumapit si Castro at niyakap ang suspek upang pigilan ito.

Habang nag-aagawan sa patalim, nagawa pa ring saksakin ni Camillo si Castro sa likod.

Isinugod agad ang biktima sa Philippine National Police General Hospital.

Patuloy siyang inoobserbahan dahil sa matinding pagkawala ng dugo. Isasailalim din siya sa X-ray examination upang matukoy ang lawak ng pinsala.

Sa paunang imbestigasyon, may nakapansin na umano ng pagbabago sa kilos at ugali ni Camillo bandang 5:30 ng umaga bago mangyari ang insidente.

Agad na inaresto ang suspek at kasalukuyang nakakulong.

Sasailalim siya sa administrative at criminal investigation. Makikipag-ugnayan din ang pulisya sa Prosecutor’s Office para sa pagsasampa ng mga kaukulang kaso.

Isasailalim din si Camillo sa medical at psychological evaluation habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.

Basahin ang naisulat na balita ng GMA News Online 'BalitamBayan' dito upang malaman ang iba pang mga detalye tungkol sa ulat na ito:

Read also

Aso, nakitang may nakatarak na matulis na bagay sa kanyang likod

Sa naunang lokal na ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlong miyembro ang walang awang binaril at pinatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Nakuhanan ng CCTV ang tatlong lalaki na pumasok sa tindahan, isinara ang roll-up door, at pagkatapos ay binaril hanggang mamatay ang buong pamilya. Bago tumakas, kinuha pa ng isa sa mga suspek ang isang bag at cellphone ng mga biktima. Ayon sa ulat ni Gary De Leon ng TV5 Frontline Pilipinas, nagsimulang makatanggap ng banta ang pamilya matapos silang magpahiram ng P1-M sa isang residente sa kanilang barangay, na umano’y ginamit ang pera para sa negosyo.

Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na public school teacher sa Las Piñas City ang pinagsasaksak nang maraming beses ng sariling asawa. Base sa ulat ni EJ Gomez sa Unang Balita, nagawa ng 38-anyos na suspek ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Sinabi ng pulisya na may security guard ang eskwelahan, pero dahil pamilyar na mukha ang suspek, madali siyang nakapasok at nakalabas. Sabi ng suspek, pumunta siya roon para kausapin ang kanyang asawa at ayusin ang kanilang alitan, pero nauwi ito sa matinding pagtatalo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Rose Dabu avatar

Rose Dabu (Editor)

Tags: