17-anyos na ina arestado sa umano’y pagbebenta ng sanggol sa halagang P55,000

17-anyos na ina arestado sa umano’y pagbebenta ng sanggol sa halagang P55,000

  • Isang 17-anyos na ina ang dinakip matapos umanong ibenta online ang kaniyang isang-buwang-gulang na anak
  • Ang transaksyon ay nabisto matapos umakto bilang buyer ang PNP Women and Children Protection Center
  • Iniimbestigahan din ang 18-anyos na ama kung may kinalaman sa insidente
  • Mahaharap ang ina sa kasong paglabag sa Anti-Traffi*cking in Persons Act

Dinakip ng mga awtoridad ang isang 17-anyos na ina matapos mabunyag na umano’y ibinebenta niya online ang kaniyang isang-buwang-gulang na sanggol sa halagang P55,000.

Photo: Pixabay
Photo: Pixabay
Source: Facebook

Ang insidente ay naganap matapos magsagawa ng entrapment operation ang Philippine National Police Women and Children Protection Center.

Sa ulat ni Jun Veneracion sa GMA News “24 Oras” nitong Huwebes, sinabi na ang mismong mga tauhan ng PNP ang naka-transaksyon ng menor de edad na ina sa online platform kung saan iniaalok ang sanggol.

Agad siyang inaresto matapos makumpirma ang bentahan.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ayon sa pulisya, una nilang namonitor ang ina nang makatanggap sila ng impormasyon na iniaalok nito ang kaniyang anak sa mga indibidwal na nais umanong mag-ampon sa pamamagitan ng social media.

Read also

Storekeeper, nawalan ng mahigit P30,000 dahil sa umano’y digital wallet modus

Dahil dito, sinimulan ang masusing surveillance na humantong sa pagkakadakip sa suspek.

Lumabas sa imbestigasyon na balak umanong gamitin ng ina ang perang makukuha sa bentahan ng sanggol bilang kapalit sa nagastos niya para sa tuition fees.

Gayunman, hindi pa lubos na kumbinsido ang mga awtoridad sa paliwanag na ito.

Ayon sa pulisya, may indikasyon na may ka-transaksyon na umano ang ina mula sa Japan bago pa man siya manganak.

Napag-alaman din na ang kausap niya ay nakapagpadala na ng pera, dahilan upang palalimin pa ang imbestigasyon sa posibleng international traffi*cking.

Mahaharap ang ina sa kasong paglabag sa Anti-Traffi*cking in Persons Act, na may parusang habambuhay na pagkakabilanggo kapag napatunayang nagkasala.

Kasalukuyan ding iniimbestigahan ang 18-anyos na ama ng bata upang alamin kung kasabwat siya sa transaksyon.

Sa ngayon, nasa pangangalaga ng mga social worker ang nasagip na sanggol at maging ang inarestong ina, habang patuloy pang kinukuha ang kaniyang pahayag ng GMA Integrated News.

Sa isang naunang ulat ng KAMI, iniulat na nagsasagawa ang Bureau of Customs ng masusing pagsusuri sa pag-angkat ng humigit-kumulang 40 luxury vehicle na umano’y may kaugnayan sa pamilya ni Sarah Discaya. Sinimulan ang imbestigasyon matapos kumalat online ang isang viral na panayam kung saan hayagang ipinakita ni Discaya ang kanilang kahanga-hangang koleksyon ng mga high-end na sasakyan, na agad nakakuha ng pansin ng publiko at ng mga awtoridad ng gobyerno. Matapos ang naturang panayam, sinimulan ng mga opisyal ng customs ang detalyadong pagrepaso sa mga importation record, kabilang ang mga shipping document at ang pagkakakilanlan ng mga idineklarang consignee, upang matukoy kung may nalabag na anumang batas o regulasyon sa customs. Bukod sa usapin ng pag-angkat ng mga sasakyan, naiugnay rin si Discaya sa mga contractor na sangkot sa mga flood control project na kasalukuyang iniimbestigahan ng Senado, kaya lalo pang napapagitna ang kanyang pangalan sa patuloy na usaping pampubliko at lehislatibo.

Read also

Titser, pumanaw matapos himatayin sa gitna ng classroom observation sa Muntinlupa

Samantala, naging trending topic sa social media ang beteranong mamamahayag na si Korina Sanchez-Roxas matapos magbahagi ng isang larawan sa kanyang Instagram account sa isang kamakailang pagbisita sa Disneyland. Makikita sa larawan si Korina na nakapose sa harap ng isang palasyong atraksiyon, na agad nakatawag ng pansin ng mga netizen. Lalo pang pinag-usapan ang post dahil sa caption na ginamit niya, na may magaan at mapagbirong tono. Sinimulan ni Korina ang kanyang caption sa linyang, "My P10 Million Palace," na inunawa ng maraming netizen bilang isang banayad at nakakatawang patama sa mga dating alegasyong ibinato laban sa kanya ni Pasig City Mayor Vico Sotto.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Stacy dela Fuente avatar

Stacy dela Fuente (Editor)