Dalawa patay, anim sugatan sa truck na nawalan ng preno at umararo ng mga bahay sa Siniloan

Dalawa patay, anim sugatan sa truck na nawalan ng preno at umararo ng mga bahay sa Siniloan

  • Isang truck na may kargang graba ang tumagilid at bumangga sa ilang kabahayan sa Siniloan, Laguna
  • Dalawang katao ang nasawi sa insidente, kabilang ang isang menor de edad, habang anim ang sugatan
  • Nasugatan din ang driver at pahinante na umano’y binugbog ng ilang residente sa gitna ng kaguluhan
  • Mahaharap ang driver sa kasong reckless imprudence resulting in double homici*de at iba pa

Dalawang katao ang nasawi habang anim naman ang sugatan matapos umanong mawalan ng preno ang isang truck na tumagilid at umararo ng ilang kabahayan sa gilid ng kalsada sa Siniloan, Laguna.

Photo: Pixabay
Photo: Pixabay
Source: UGC

Ayon sa ulat ni Saleema Refran sa GMA News “24 Oras” nitong Martes, nangyari ang insidente sa Famy–Infanta Provincial Road kung saan bumangga ang truck na may kargang graba.

Sa gitna ng operasyon ng pagsagip sa mga biktimang naipit, nagkaroon ng tensiyon sa lugar matapos gulpihin ng ilang kalalakihan ang driver at pahinante ng truck. Ang dalawa ay kabilang din sa mga nasugatan sa insidente.

Read also

Ulo ng bagong silang na sanggol natagpuan sa barangay sa Minglanilla, Cebu

Natigil lamang ang pananakit matapos umawat ang iba pang residente sa lugar.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Dahil sa bigat ng truck at sa mga debris na bumagsak sa mga bahay, kinailangan ng mga rescuer na gumamit ng payloader upang maiahon ang mga biktima.

Agad silang isinugod sa ospital para sa agarang gamutan, ngunit dalawa sa mga dinala ang binawian ng buhay, kabilang ang isang menor de edad.

Batay sa paunang imbestigasyon, galing umano sa Infanta, Quezon ang truck at patungo sa Lucena City nang mawalan ito ng preno sa isang pakurbang bahagi ng daan.

Sinabi ng driver na kinabig niya ang manibela upang maiwasan ang mas malalang banggaan, ngunit naging dahilan ito upang tumagilid ang sasakyan at tumama sa mga kabahayan sa gilid ng kalsada.

Isang saksi naman ang nagsabi na mabilis ang takbo ng truck bago mangyari ang aksidente.

Ayon sa Siniloan police, mahaharap ang driver sa mga kasong reckless imprudence resulting in double homici*de, multiple physical injuries, at damage to property habang nagpapatuloy ang mas malalim na imbestigasyon sa insidente.

Read also

Lalaking may bitbit na LPG tank, pumasok sa bakuran ng isang bahay at nabaril ng may-ari

Sa naunang lokal na ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlong miyembro ang walang awang binaril at pinatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Nakuhanan ng CCTV ang tatlong lalaki na pumasok sa tindahan, isinara ang roll-up door, at pagkatapos ay binaril hanggang mamatay ang buong pamilya. Bago tumakas, kinuha pa ng isa sa mga suspek ang isang bag at cellphone ng mga biktima. Ayon sa ulat ni Gary De Leon ng TV5 Frontline Pilipinas, nagsimulang makatanggap ng banta ang pamilya matapos silang magpahiram ng P1-M sa isang residente sa kanilang barangay, na umano’y ginamit ang pera para sa negosyo.

Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na public school teacher sa Las Piñas City ang pinagsasaksak nang maraming beses ng sariling asawa. Base sa ulat ni EJ Gomez sa Unang Balita, nagawa ng 38-anyos na suspek ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Sinabi ng pulisya na may security guard ang eskwelahan, pero dahil pamilyar na mukha ang suspek, madali siyang nakapasok at nakalabas. Sabi ng suspek, pumunta siya roon para kausapin ang kanyang asawa at ayusin ang kanilang alitan, pero nauwi ito sa matinding pagtatalo.

Read also

18-anyos na binatilyo, patay matapos tumalon sa Pasig River habang tumatakas sa umano’y humahabol

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Stacy dela Fuente avatar

Stacy dela Fuente (Editor)