Extension wire na pumutok, posibleng naging sanhi ng pagkasunog ng 20 bahay sa Malabon
- Mahigit 100 pamilya ang nawalan ng tirahan matapos masunog ang residential area sa Juliana Street, Barangay Potrero, Malabon City, madaling-araw ng Enero 4
- Ayon sa mag-asawang nakatira sa nasunugang bahay, pumutok umano ang extension wire na dumikit sa mga nakasampay na damit, na posibleng sanhi ng sunog
- Wala namang naitalang nasawi o nasugatan, ngunit umabot sa ikalawang alarma ang sunog dahil sa masikip na eskinita at light materials ng mga bahay
- Kasalukuyang tinutulungan ang mga biktima sa pamamagitan ng evacuation centers, habang ang mga estudyante ng Potrero Elementary School ay nag-online class
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Isang malagim na pagsisimula ng 2026 ang naranasan ng mahigit 100 pamilya sa Malabon City matapos masunog ang isang residential area sa Juliana Street, Barangay Potrero, kaninang madaling-araw ng Linggo, Enero 4.

Source: UGC
Nagsimula ang apoy pasado alas-dose ng madaling-araw sa ikatlong palapag ng isang paupahang bahay, ayon kay barangay kagawad Walter Guevarra, isa sa mga unang rumesponde.

Read also
Viral female driver sa Cagayan de Oro, posibleng masuspinde dahil sa pagpapakita ng baril sa trapik
“Kanina ang tawag kasi, nandun (ang sunog) sa area na may 73 families na paupahan doon daw nagsimula ang ano ng sunog,” ani Guevarra.
Ayon sa mag-asawang Joy at Edrin Diaz, pumutok umano ang extension wire na dumikit sa mga nakasampay na damit ang pinagmulan ng apoy.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
“Nagising po ako nagtatakbuhan na po sila... Inuna ko muna yung mga anak ko, wala na akong inisip na iba tsaka yung nanay ko,” kwento ni Joy.
Umabot sa ikalawang alarma ang sunog na tumupok sa mahigit 20 bahay. Ayon kay Lead Arson Investigator Armando Anciong ng BFP Malabon, naging hamon ang masikip na eskinita at ang light materials ng mga bahay na pinabilis ang pagkalat ng apoy.
“Bali yung ikalawang alarma nagsigurado tayo kasi nga mapapansin ninyo light materials yung involved natin bukod doon ang daan medyo maliit pagdating sa loob eskinita na lang yung pinasukan, syempre po para hindi tayo mashort sa supply ng tubig,” paliwanag niya.
Matapos ang mabilis na operasyon, idineklarang fire under control bago mag-alas-2 ng umaga.
Mapalad na walang naitalang nasawi o nasugatan, subalit nawalan ng tirahan ang mahigit 100 pamilya.
Ginagamit ang mga classroom ng Potrero Elementary School bilang evacuation center habang nagpapatuloy ang online classes ng mga estudyante.
“Zero po kami ngayon as in walang-wala, lahat ng ipong naipundar wala na po, kaya gusto po namin yung matutuluyan namin,” panawagan ni Joy.
Ito na ang ikalawang sunog sa Potrero at ikatlo sa buong lungsod sa loob ng dalawang linggo.
Nagpaalala ang BFP sa publiko na maging maingat sa paggamit ng kuryente at sundin ang fire safety tips upang maiwasan ang ganitong insidente. Patuloy ang imbestigasyon sa dahilan at kabuuang halaga ng pinsala ng sunog.
Sa naunang lokal na ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlong miyembro ang walang awang binaril at pinatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Nakuhanan ng CCTV ang tatlong lalaki na pumasok sa tindahan, isinara ang roll-up door, at pagkatapos ay binaril hanggang mamatay ang buong pamilya. Bago tumakas, kinuha pa ng isa sa mga suspek ang isang bag at cellphone ng mga biktima. Ayon sa ulat ni Gary De Leon ng TV5 Frontline Pilipinas, nagsimulang makatanggap ng banta ang pamilya matapos silang magpahiram ng P1-M sa isang residente sa kanilang barangay, na umano’y ginamit ang pera para sa negosyo.
Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na public school teacher sa Las Piñas City ang pinagsasaksak nang maraming beses ng sariling asawa. Base sa ulat ni EJ Gomez sa Unang Balita, nagawa ng 38-anyos na suspek ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Sinabi ng pulisya na may security guard ang eskwelahan, pero dahil pamilyar na mukha ang suspek, madali siyang nakapasok at nakalabas. Sabi ng suspek, pumunta siya roon para kausapin ang kanyang asawa at ayusin ang kanilang alitan, pero nauwi ito sa matinding pagtatalo.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh

