Aspin na inanod sa baha sa Cebu, himalang nakabalik sa amo matapos ilang araw na pagkawala
- Nalugmok sa pag-aalala ang pamilya Llenos matapos tangayin ng baha ang kanilang asong si “Haven”
- Sa gitna ng paglikas, hindi naasikaso ng amo ang alaga dahil kailangan niyang unahin ang pamilya at iba pang hayop
- Ilang araw silang naghanap at nag-post sa social media pero walang balita tungkol kay Haven
- Matapos ang isang linggo, muling natagpuan ang aso sa dati nilang bahay, putikan at naghihintay
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Hindi inaasahan ng pamilya Llenos sa Cebu City na muling mayayakap pa nila ang kanilang alagang aso matapos itong tangayin ng rumaragasang baha habang nananalasa ang bagyong Tino.

Source: Youtube
Sa ulat ni Alan Domingo ng GMA Regional TV Balitang Bisdak, kitang-kita ang emosyonal na pagbalik ni “Haven,” ang kanilang Aspin, sa tahanan sa Villa del Rio, Barangay Bacayan—isa sa lubos na nasalanta ng pagbaha.
Kuwento ni Emmanuel Llenos, hindi niya naalagaan si Haven nang mangyari ang paglikas. Kinailangan niyang unahin ang kaligtasan ng kanyang pamilya at iba pang maliliit na alaga.
Sa gitna pa ng kaguluhan, tinulungan pa niyang sagipin ang isang babaeng nakakapit sa poste kahit hindi rin siya marunong lumangoy.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Pagkatapos humupa ang tubig, agad nilang sinuyod ang lugar para hanapin si Haven, ngunit bigo silang makita ito.
Nag-post pa sila sa social media, umaasang may makakita o makapagsabi kung nasaan ang kanilang alaga.
Samantala, dahil sa malalang pinsala ng kanilang bahay, napilitan silang lumipat muna sa ibang tirahan.
Gayunman, paulit-ulit pa rin nilang binabalikan ang nasalantang bahay, nagbabakasakaling bumalik si Haven.
Lumipas ang ilang araw hanggang umabot sa isang linggo, ngunit walang anumang senyales ng aso.
Hindi pa rin sumuko ang pamilya—at sa huli, nagbunga ang kanilang pag-asa. Isang araw, nadatnan nila si Haven sa dati nilang bahay, puno ng putik ang mga paa at nakaupong tila naghihintay sa kanila.
Para kay Llenos, mistulang himala ang pagbabalik ng kanilang alaga. Hindi niya maiwasang isipin ang hirap na pinagdaanan nito sa panahong magkahiwalay sila.
Sa dulo, ibinahagi niya ang aral na kanyang baon mula sa karanasan: “Never lose your faith in Lord.”
Ang mga balita, larawan, o video na umaakit sa interes ng mga netizen ay madalas maging viral sa social media dahil sa atensyong ibinibigay ng publiko. Madalas na tumatagos sa damdamin ng netizens ang ganitong mga post, at sa ilang pagkakataon, maging ang mga karaniwang tao ay nagiging sentro rin ng atensyon dahil nagiging relatable ang kanilang karanasan.
Sa naunang ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlong miyembro ang walang awang binaril at pinatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Nakuhanan ng CCTV ang tatlong lalaking pumasok sa tindahan, isinara ang roll-up door, at walang habas na pinagbabaril ang buong pamilya. Bago tumakas, kinuha pa ng isa sa mga suspek ang isang bag at mobile phone ng biktima. Sa ulat ni Gary De Leon ng TV5’s “Frontline Pilipinas,” nagsimula raw makatanggap ng banta ang pamilya matapos silang magpautang ng P1 milyon sa isang residente ng kanilang barangay, na umano’y ginamit ang pera para sa negosyo.
Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na titser sa pampublikong paaralan sa Las Piñas City ang pinagsasaksak nang maraming beses ng sarili niyang asawa. Ayon sa ulat ni EJ Gomez sa “Unang Balita,” naganap ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Sinabi ng pulisya na may security guard naman ang paaralan, ngunit dahil pamilyar ang mukha ng suspek, madali itong nakapasok at nakalabas. Ayon sa suspek, pumunta lamang siya roon upang kausapin ang kanyang asawa at ayusin ang kanilang hindi pagkakaintindihan, ngunit nauwi ito sa matinding alitan.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh


