33-anyos na lalaki patay sa pamamaril ng riding-in-tandem sa Pasay
- Isang lalaki ang binaril sa Vergel cor. Tramo Street, Barangay 118, Pasay bandang alas-9 ng gabi
- Mga residente nakarinig ng mahigit limang putok bago makita ang biktima na nakahandusay, ayon sa ulat ng TV Patrol
- Biktima isinugod pa sa ospital ngunit idineklarang dead on arrival
- Pulisya naglunsad ng imbestigasyon para tukuyin ang mga salarin at motibo
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Isang 33-anyos na lalaki ang nasawi matapos barilin ng riding-in-tandem sa Vergel corner Tramo Street, Barangay 118 sa Pasay City noong Martes ng gabi, Nobyembre 18, batay sa ulat ng TV Patrol.

Source: UGC
Ayon sa mga nakatira sa lugar, bigla nilang narinig ang sunod-sunod na putok bago nila nadiskubre ang lalaki na nakabulagta sa mismong tapat ng kanyang tahanan.
“Nung una po nakarinig po ako ng mga tunog ng bala, tapos nagtaka na po ako kasi may mga narinig na po akong mga kapitbahay namin na nagtatakbuhan na po sila tapos may narinig na lang po ako na may nabaril, may nabaril,” kuwento ni Sophia Nazareno, isa sa mga residente na nakasaksi.
Dagdag pa niya, “Nalaglag po siya sa may likod sa may bangketa po kasi siya nalaglag tapos nakapadapa po siya so hindi po namin una nakita. Puro ulo po yung tama niya. Sa ulo po talaga.”
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Batay sa police report, agad na dinala ang biktima sa pinakamalapit na ospital pero idineklarang dead on arrival dahil sa malubhang tama ng bala, karamihan ay sa ulo.
Hindi pa ibinubunyag ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng mga salarin habang patuloy ang pagsisiyasat sa posibleng motibo ng pamamaril.
Samantala, nananatiling tikom ang bibig ng pamilya ng biktima at tumangging magbigay ng anumang pahayag tungkol sa insidente. Sa komunidad naman, kapansin-pansin ang takot at pag-aalala ng mga residente dahil sa brutal na pamamaril na naganap sa isang mataong lugar.
Hangad ngayon ng mga kapitbahay at lokal na pamahalaan na mabilis na mabigyan ng hustisya ang sinapit ng biktima at makamit ang katiyakan ng seguridad sa kanilang barangay.
News, photos, or videos that arouse the interest of netizens would often go viral on social media, due to the attention netizens give them. These viral posts appeal to the emotions of netizens, and in rare cases, this could also happen to ordinary people, making them very relatable.
In a previous report by KAMI, a family of three was mercilessly shot and killed inside their store in Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Caught by CCTV, three men entered their store, closed the roll-up door, and shot the entire family to death. Before fleeing, one of the suspects even grabbed a bag and a mobile phone from the victim. In a report by Gary De Leon of TV 5's 'Frontline Pilipinas,' the family started getting threats after lending P1-M to one of the residents of their barangay; allegedly using the money for business.
In another viral local report, a 51-year-old public school teacher in Las Piñas City was stabbed multiple times by her own husband. According to the report of EJ Gomez in 'Unang Balita,' the 38-year-old suspect committed the crime inside the school's faculty room. Police authorities said the school has a security guard, but, being a familiar face in the school, the suspect managed to easily get in and out of the school. The suspect said he was there to talk to his wife and settle their misunderstanding, but unfortunately, it led to a big arguement.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh

