Monterrazas de Cebu developer issues statement on DENR findings
- Mont Property Group nagpahayag na bukas sila sa imbestigasyon ng DENR tungkol sa hillside project
- Itinanggi ng developer ang alegasyon na may 700 puno umanong pinutol sa lugar
- Giit nila, shrubs at undergrowth lamang ang inalis dahil nasa ECC at development permit ito
- Itinulak ng publiko ang isyu dahil sa localized flooding, ngunit nilinaw ng kumpanya ang geographic factors
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Naglabas ng pahayag ang Mont Property Group, ang developer ng Monterrazas de Cebu, kaugnay ng patuloy na diskusyon tungkol sa proyekto nila sa Barangay Guadalupe. Mainit na pinag-uusapan online ang epekto umano ng nasabing development matapos bumaha sa Cebu sa kasagsagan ng Typhoon Tino.

Source: Facebook
Sa gitna nito, sinabi ng developer na bukas sila sa anumang masusing imbestigasyon mula sa Department of Environment and Natural Resources o DENR upang ipakita ang kanilang pagsunod sa mga patakaran.
Ayon sa kumpanya, buo ang kanilang pakikipag-ugnayan sa DENR at malinaw nilang layunin na mapanatili ang integridad ng kapaligiran at ang kaligtasan ng komunidad. Sa bahagi ng kanilang pahayag, sinabi nilang âMonterrazas de Cebu welcomes all impartial investigations by the Department of Environment and Natural Resources (DENR). We are committed to work with the agency to ensure the highest standards of environmental integrity and community safety across Cebuâs hillside developments.â
Itinanggi rin nila ang pahayag na may mahigit 700 puno umanong inalis para sa proyekto. Tinawag nilang âgrievously falseâ ang naturang alegasyon at iginiit na kaya nila itong patunayan kapag nakita ang aktuwal na dokumentasyon. Ayon sa Mont Property Group, shrubs at secondary undergrowth lamang ang inalis bilang bahagi ng earthworks. Nakasaad sa kanilang Environmental Impact Statement na grasslands at non-woody vegetation ang karaniwang tumutubo sa lugar.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Dagdag pa ng kumpanya, nakasaad sa kanilang ECC at development permit na pinahihintulutan ang clearing ng mabababang halaman upang maisulong ang proyekto. Inilarawan nila ang lupaing ito bilang hindi angkop sa agricultural use at halos walang topsoil base, batay sa pagsusuri ng Environmental Management Bureau ng DENR Region VII.
Habang nagpatuloy ang usapin tungkol sa baha na naranasan ng Cebu noong Nobyembre 4, 2025, mabilis ding naiuugnay ng ilang netizens ang Monterrazas sa malawakang pagbaha. Ayon sa Office of Civil Defense, may naiulat na casualties at mga nawawala dulot ng epekto ng bagyo, dahilan para muling mabuksan ang diskusyon tungkol sa mga proyekto sa matataas na bahagi ng lungsod. Ngunit sa pahayag ng developer, nilinaw nilang iba ang mga drainage basin at natural waterways ng mga lugar na lubhang naapektuhan.
Sinabi ng kumpanya, âIt is important to clarify a simple geographic reality. Monterrazas de Cebu is located in Barangay Guadalupe, which is several kilometers away from the heavily flood-stricken areas in Liloan, Mandaue, and Talisay.â Nagbigay pa sila ng halimbawa, na tila imposible raw na isang development sa Tagaytay ang magdulot ng pag-apaw ng tubig sa Makati dahil hindi magkaugnay ang daloy ng tubig sa dalawang lugar.
Bahagi rin ng paliwanag ng Mont Property Group ang kanilang flood mitigation system. Ayon sa DENR, kinakailangan lamang ng 26,701 cubic meters na detention pond capacity ang proyekto, pero nag-install sila ng sistema na may 40,413 cubic meters na kapasidad. Ito ay mas mataas ng 51 percent kumpara sa hinihingi ng batas. Gayunman, sa earlier report ng DENR-7 Assistant Director Eddie Llamedo, nabanggit na dapat pang pag-aralan ang kapasidad ng retention ponds upang masiguro ang mas maayos na paghupa ng tubig tuwing may matinding pag-ulan.
Sa huli, iginiit ng developer na naninindigan sila sa kalidad ng kanilang trabaho at patuloy silang makikipagtulungan sa pamahalaan at mga residente. Sinabi nila na patuloy silang nakatuon sa paglikha ng mas ligtas at mas matatag na komunidad.
Ang Mont Property Group ay isa sa mga developer na aktibo sa paglikha ng modernong hillside communities sa Cebu. Ang Monterrazas de Cebu ang isa sa flagship developments nila, kilala sa mataas na elevation at malawak na view ng lungsod. Dahil sa laki ng proyekto, madalas itong maging bahagi ng mga talakayan tungkol sa urban planning at environmental management sa rehiyon.
Albie Casino, binanggit si Slater Young sa gitna ng pag-init ng isyu sa Monterrazas Sa unang balita, naging bahagi ng talakayan si Albie Casino matapos niyang mamention si Slater Young habang umiinit ang usapan tungkol sa Monterrazas. Umikot sa social media ang palitan ng kuro-kuro, lalo naât parehong taga-Cebu ang personalities na nabanggit. Ang pangyayaring ito ay nagdagdag ng pansin sa patuloy na usapan tungkol sa development project.
DENR, naglabas ng pahayag kaugnay ng Monterrazas de Cebu Sa isa pang report, naglabas ng opisyal na pahayag ang DENR tungkol sa isyu, lalo na sa bahagi ng tree inventory at pagsunod sa environmental regulations. Ayon sa kanila, may discrepancies umano sa bilang ng mga puno sa lugar batay sa kanilang assessment. Ito ang naging isa sa mga dahilan kung bakit muling naungkat ang operational compliance ng proyekto.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo âĄď¸ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh


