Pulis na nangholdap ng convenience store at napatay ng kapwa pulis, gipit umano sa pera
- Isang pulis mula Caloocan ang nasawi matapos umanong mangholdap ng convenience store sa Marilao, Bulacan
- Ayon sa NCRPO, problema sa pera at pagkakalugi sa negosyo ang posibleng nagtulak sa suspek
- Natukoy siyang may-ari ng ginamit na motorsiklo at narekober din ang perang tinangay sa loob nito
- Iniimbestigahan pa kung konektado siya sa iba pang kaso ng holdapan sa Bulacan
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Isang pulis na nakatalaga sa Caloocan ang napatay matapos umanong mangholdap ng isang convenience store sa bayan ng Marilao, Bulacan.

Source: UGC
Pinaniniwalaang matinding pagkagipit sa pera ang nagtulak sa kanya na gawin ang krimen.
Sa ulat ni Mariz Umali sa GMA News 24 Oras, sinabi ni Major Hazel Asilo, tagapagsalita ng National Capital Region Police Office (NCRPO), na nagkaroon umano ng problema sa pinansyal ang nasawing pulis matapos malugi ang dati nitong negosyo noong pandemya.
“Mayroon silang previous na business na nalugi nung time ng pandemic. So ‘yon ‘yung possible na reason kung bakit nagkaroon siya ng pagkagipit sa pera. Ano na siya, sagad na siya sa loan,” pahayag ni Asilo.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Ayon naman kay Police Colonel Angel Garcillano, direktor ng Bulacan Provincial Police Office (PPO), kumpirmadong ang nasawing pulis ang nangholdap batay sa ebidensiya — kabilang dito ang motorsiklong ginamit sa krimen na nakapangalan sa kanya, mga damit na kapareho ng suot ng suspek, at perang tinangay mula sa convenience store na nakuha rin sa nasabing motorsiklo.
Nasawi ang pulis matapos umanong makipagbarilan sa mga rumespondeng awtoridad.
Bagaman walang derogatory record sa NCRPO, iniimbestigahan ng Bulacan-PPO kung may kinalaman din siya sa iba pang insidente ng holdapan sa Marilao, San Jose del Monte, at Meycauayan na kinasasangkutan ng coffee shops, gasoline stations, at convenience stores.
Patuloy namang sinusubukan ng GMA Integrated News na kunin ang pahayag ng pamilya ng nasawing pulis.
Ang mga balita, larawan, o video na nakakaantig ng interes ng mga netizen ay madalas nagiging viral sa social media dahil sa atensyon na ibinibigay ng publiko. Ang ganitong mga post ay kadalasang tumatama sa emosyon ng mga netizen, at sa ilang pagkakataon, maaari rin itong mangyari sa mga karaniwang tao, na mas nagiging relatable sa marami.

Read also
Kylie Padilla, nagbigay ng reaksyon sa pag-amin ni AJ Raval tungkol sa mga anak nila ni Aljur
Sa isang naunang ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlo ay walang-awang pinagbabaril hanggang mamatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Nakuhanan ng CCTV ang tatlong lalaki na pumasok sa kanilang tindahan, isinara ang roll-up door, at pinagbabaril ang buong pamilya. Bago tumakas, kinuha pa ng isa sa mga suspek ang isang bag at cellphone mula sa biktima. Ayon sa ulat ni Gary De Leon ng TV 5 na “Frontline Pilipinas,” nagsimulang makatanggap ng pagbabanta ang pamilya matapos nilang pautangin ng P1-M ang isang residente sa kanilang barangay, na umano’y ginamit ang pera para sa negosyo.
Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na teacher sa pampublikong paaralan sa Las Piñas City ang paulit-ulit na sinaksak ng sariling asawa. Batay sa ulat ni EJ Gomez ng “Unang Balita,” naganap ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Ayon sa mga pulis, may guwardiya ang paaralan ngunit dahil kilala ang suspek sa lugar, madali nitong nagawang makapasok at makalabas. Ayon sa suspek, pumunta siya roon upang kausapin ang kanyang asawa at ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan, ngunit nauwi ito sa matinding pagtatalo.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh
