Kabayanihan sa gitna ng baha, ipinamalas ng magkapatid sa Liloan

Kabayanihan sa gitna ng baha, ipinamalas ng magkapatid sa Liloan

  • Magkapatid sa Liloan, Cebu sumaklolo sa mga kapitbahay na naipit sa rumaragasang tubig
  • Pitong bata at apat na matatanda kabilang sa kanilang nailipat sa mas ligtas na lugar
  • Nagbigay rin sila ng spare jackets at damit matapos mailikas ang mga residente
  • Viral social media clip, umantig sa netizens at nagpasiklab ng papuri sa kanilang kabayanihan

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Matapang na hinarap ng magkapatid na sina Justine Rey at Zen Ray Tejada ang rumaragasang tubig sa Liloan, Cebu nang magpasya silang iligtas ang ilang kapitbahay na naipit sa biglaang pagtaas ng tubig matapos ang hagupit ni Bagyong Tino.

Kabayanihan sa gitna ng baha, ipinamalas ng magkapatid sa Liloan
Kabayanihan sa gitna ng baha, ipinamalas ng magkapatid sa Liloan (📷unknown02frfrfrfrfrfrfr/TikTok)
Source: TikTok

Sa isang video na ibinahagi sa TikTok ni Justine nitong Nobyembre 6, makikitang sila mismo ang lumusong sa tubig upang tulungan ang dalawang pamilya na naiwan sa loob ng isang sasakyan at hindi makababa dahil sa malakas na agos. Ayon sa kaniya, hindi na sila nagdalawang-isip dahil mas inuuna raw nilang iligtas ang mga nasa paligid nila—lalo na ang mga bata.

Read also

Ginang sa Cebu, nalagasan ng 3 batang anak at asawa mula sa pananalasa ni bagyong Tino

Sa panayam ng Balita kay Justine, inilarawan niya ang kanilang naging emosyon habang nangyayari ang lahat. “I can’t just stand and watch them drowning parang adrenaline nalang yung nag push sa akin… kami lang yung marunong lumangoy that time,” aniya. Sinabi niyang puro bata ang karamihan sa mga bahay na katabi nila kaya hindi na sila naghintay pa ng tulong; kumilos sila agad.

Dagdag pa niya, dalawa umanong pamilya ang kanilang tinulungan. “Five kids, four adults,” ani Justine, at may isa pang lola sa kalapit na bahay na kanilang iniahon papunta sa mas mataas na lugar. Halos umabot na raw sa second floor ang tubig sa isang bahagi ng lugar, kaya’t tumulong din sila sa pagbitbit at paggabay.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Kwento ni Justine, nakapaghanda rin sila ng mga lubid at mga daanan papunta sa bubong kung sakaling mas tumaas pa ang tubig. Pagkatapos maiahon ang mga kapitbahay, nagbibigay daw sila ng jackets at spare clothes para hindi ginawin ang mga nailikas.

Ayon kay Justine, labis na nakakadurog ng puso ang kanilang naranasan at hindi ito basta mawawala sa alaala. “Sobrang nakakatrauma po talaga,” sabi niya. Gayunman, ang dami raw na nagpapasalamat sa kanila—mula sa mga pamilyang kanilang tinulungan hanggang sa mga kaanak ng mga ito na nakakita ng video online.

May ibinahagi rin siyang naging aral mula sa pangyayari. “My takeaway as of now is frustration, galit we could’ve prevented this if these leaders really lead for the people,” saad niya, sabay banggit na marami umanong proyekto ang dapat sana’y nakatulong sa pag-iwas sa ganitong sitwasyon.

Read also

Trahedya sa Quezon: Bus nahulog sa 20-foot ravine, binatilyo pumanaw

Sa kabila nito, marami ang humanga sa magkapatid dahil sa ipinakita nilang malasakit at pagiging handang tumulong. Sa social media, bumuhos ang papuri at komento ng mga taong nagsasabing sila ang buhay na patunay na buhay pa rin ang bayanihan sa Pilipinas.

Ang bayanihan ay isa sa pinakamatandang kaugalian ng mga Pilipino na nagpapakita ng sama-samang pagtutulungan, malasakit, at pagdadamayan sa panahon ng pangangailangan. Nagsimula ito noong sinaunang panahon kung saan ang mga komunidad sa baryo ay nagpapakitaan ng boluntaryong pagtulong, tulad ng sabayang pagbuhat ng bahay kubo upang ilipat ito sa mas ligtas o mas magandang lugar — isang tradisyon na naging simbolo ng pagkakaisa at pagkakaroon ng malasakit sa kapwa.

Isang batang survivor mula rin sa epekto ng Bagyong Tino ang umantig sa puso ng netizens matapos makitang lumangoy at gumapang papunta sa ligtas na lugar nang walang kasama. Maraming Pilipino ang nagbigay ng suporta at paghanga sa katatagan ng bata. Kagaya ng kaso nina Justine at Zen, ipinakita rin ng batang ito ang tibay ng loob sa gitna ng unos.

Samantala, sa isa pang kuwento sa Cebu, isang ginang ang nagbahagi ng matinding pighati matapos mawalan ng mahal sa buhay dala ng baha. Marami ang nakisimpatya at nagpadala ng dasal sa kanya at sa kaniyang pamilya. Ito'y paalala kung gaano kataimtim ang epekto ng kalamidad sa mga komunidad sa Visayas.

Read also

Batang nakaligtas mag-isa sa baha ng Bagyong Tino, umantig sa puso ng netizens

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Tags: