Ginang sa Cebu, nalagasan ng 3 batang anak at asawa mula sa pananalasa ni bagyong Tino

Ginang sa Cebu, nalagasan ng 3 batang anak at asawa mula sa pananalasa ni bagyong Tino

  • Isang ina sa Liloan, Cebu ang nagluluksa matapos masawi ang asawa at tatlong anak sa baha dala ng bagyong Tino
  • Gumuho ang bahay na kanilang inakyatan matapos umapaw ang Cotcot River
  • Nawawala pa ang ina, tiyahin at dalawang pamangkin ng ginang
  • Umaapela siya ng tulong para mahanap pa ang iba pang biktima at makapagsimula muli

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

24-Oras/GMA-7/GMA Integrated News on YouTube
24-Oras/GMA-7/GMA Integrated News on YouTube
Source: Youtube

Malalim ang pagdadalamhati ni Krizza Espra sa Liloan, Cebu nang masawi ang asawa at tatlo nilang anak na may edad isa, tatlo, at walo.

Nasawi rin ang kaniyang ama at pamangkin.

Nangyari ang trahedya nang umapaw ang Cotcot River dahil sa bagyong Tino at tangayin ng rumaragasang tubig ang bahay na kanilang pinuntahan para maghanap ng mas mataas na lugar.

Ayon kay Espra, nagising sila na mababa lang ang tubig. Makalipas ang ilang sandali, umabot ito sa dibdib.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Pumunta sila sa bubungan para lumigtas pero bumagsak ang katabing gusali. Natamaan ang inakyatan nilang bahay kaya sabay-sabay silang naanod.

Read also

Paniniwala sa kulam, nauwi sa malagim na pamamaril sa Quezon City

Hanggang ngayon, hindi pa niya natatagpuan ang kaniyang ina, tiyahin at dalawang pamangkin.

Umaasa siya na may darating na crane dahil mano-mano ang paghukay at marami pa ang pinaniniwalaang natabunan.

Nananawagan siya ng tulong dahil wala na silang bahay at wala na siyang pamilya na kasama.

Sinabi niya, Sana matulungan. Hindi pa namin alam paano magsimula. Wala nang bahay, wala lahat. Sana mahanap ang mama, ang mga pinsan ko.

Samantala, nagpapatuloy ang search and retrieval operations ng Philippine Air Force sa isang subdivision sa Liloan.

Makapal ang putik sa daan at nagkapatong-patong ang mga sasakyang tinangay ng baha. Umaasa ang mga residente na maalis agad ang mga sasakyan para makapasok ang tulong.

May mga residente ring bumalik sa kanilang bahay para tingnan at alagaan ang kanilang mga naiwang hayop.

Panuorin ang balita sa bidyong ito ng '24 Oras':

Ang mga balita, larawan, o video na nakakaantig ng interes ng mga netizen ay madalas nagiging viral sa social media dahil sa atensyon na ibinibigay ng publiko. Ang ganitong mga post ay kadalasang tumatama sa emosyon ng mga netizen, at sa ilang pagkakataon, maaari rin itong mangyari sa mga karaniwang tao, na mas nagiging relatable sa marami.

Read also

Batang nakaligtas mag-isa sa baha ng Bagyong Tino, umantig sa puso ng netizens

Sa isang naunang ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlo ay walang-awang pinagbabaril hanggang mamatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Nakuhanan ng CCTV ang tatlong lalaki na pumasok sa kanilang tindahan, isinara ang roll-up door, at pinagbabaril ang buong pamilya. Bago tumakas, kinuha pa ng isa sa mga suspek ang isang bag at cellphone mula sa biktima. Ayon sa ulat ni Gary De Leon ng TV 5 na “Frontline Pilipinas,” nagsimulang makatanggap ng pagbabanta ang pamilya matapos nilang pautangin ng P1-M ang isang residente sa kanilang barangay, na umano’y ginamit ang pera para sa negosyo.

Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na teacher sa pampublikong paaralan sa Las Piñas City ang paulit-ulit na sinaksak ng sariling asawa. Batay sa ulat ni EJ Gomez ng “Unang Balita,” naganap ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Ayon sa mga pulis, may guwardiya ang paaralan ngunit dahil kilala ang suspek sa lugar, madali nitong nagawang makapasok at makalabas. Ayon sa suspek, pumunta siya roon upang kausapin ang kanyang asawa at ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan, ngunit nauwi ito sa matinding pagtatalo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Rose Dabu avatar

Rose Dabu (Editor)

Tags: