45-anyos na Dutch national, natagpuang naaagnas at walang saplot sa loob ng isang condo unit

45-anyos na Dutch national, natagpuang naaagnas at walang saplot sa loob ng isang condo unit

• Isang Dutch national na 45-anyos ang natagpuang patay at naaagnas sa loob ng kanyang condo unit sa Cainta

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

• Natukoy ng pulisya ang bangkay matapos ireklamo ng mga kapitbahay ang masamang amoy

• Walang nakitang palatandaan ng foul play at kumpleto ang mga gamit ng biktima

• May history umano ng depresyon at pag-inom ng alak ang biktima ayon sa mga kaanak

Mark D'aiuto on Pexels
Mark D'aiuto on Pexels
Source: Original

Nakadapang walang saplot at nasa estado na ng pagkabulok nang matagpuan ng awtoridad ang bangkay ng isang 45-anyos na Dutch national sa kanyang condominium unit sa Barangay San Andres, Cainta, Rizal.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ayon sa mga kapitbahay, napansin nila ang masangsang na amoy mula sa unit kaya agad silang nagreport sa pulisya.

Pagpasok ng mga pulis, nakita sa loob ng unit ang nagkalat na dugo sa sahig, pader, at banyo. Sa guest room natagpuan ang biktima, na tinatayang 2 hanggang 3 araw nang patay.

Base sa pahayag ng ilang residente, naririnig daw nila ang biktima na sumisigaw tuwing madaling araw.

Read also

Lalaki, patay matapos paluin ng pala at kahoy ng sariling anak

Nakita rin nila itong nagsasalita mag-isa at tila hindi maayos ang pag-iisip. Posibleng nagmula ang mga bakas ng dugo sa pagsuntok niya sa pader habang nasa hindi normal na kondisyon.

Ayon sa imbestigasyon, walang nakitang saksak, tama ng bala, o anumang senyales ng sapilitang pagpasok sa unit. Buo rin ang lahat ng personal na gamit at walang bakas ng gulo.

Kinumpirma ng kaanak na may depression ang biktima at minsan na ring sumailalim sa rehabilitation sa kanilang bansa.

Ayon pa sa kanila, madalas siyang uminom ng alak at nagrereklamo ng pananakit sa dibdib at sikmura bago pa man ang insidente.

Hinihintay pa ng pulisya ang resulta ng autopsy para matukoy ang eksaktong sanhi ng pagkamatay.

Patuloy ding nakikipag-ugnayan ang mga awtoridad sa embahada at pamilya para sa pagproseso ng kanyang mga labi.

Basahin ang artikulo na nilathala ng BalitamBayan dito upang malaman ang iba pang detalye tungkol sa kwentong ito.

Ang mga balita, larawan, o video na nakakaantig ng interes ng mga netizen ay madalas nagiging viral sa social media dahil sa atensyon na ibinibigay ng publiko. Ang ganitong mga post ay kadalasang tumatama sa emosyon ng mga netizen, at sa ilang pagkakataon, maaari rin itong mangyari sa mga karaniwang tao, na mas nagiging relatable sa marami.

Read also

KC Concepcion, ibinahagi ang pagiging handa sa bagong yugto ng buhay

Sa isang naunang ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlo ay walang-awang pinagbabaril hanggang mamatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Nakuhanan ng CCTV ang tatlong lalaki na pumasok sa kanilang tindahan, isinara ang roll-up door, at pinagbabaril ang buong pamilya. Bago tumakas, kinuha pa ng isa sa mga suspek ang isang bag at cellphone mula sa biktima. Ayon sa ulat ni Gary De Leon ng TV 5 na “Frontline Pilipinas,” nagsimulang makatanggap ng pagbabanta ang pamilya matapos nilang pautangin ng P1-M ang isang residente sa kanilang barangay, na umano’y ginamit ang pera para sa negosyo.

Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na teacher sa pampublikong paaralan sa Las Piñas City ang paulit-ulit na sinaksak ng sariling asawa. Batay sa ulat ni EJ Gomez ng “Unang Balita,” naganap ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Ayon sa mga pulis, may guwardiya ang paaralan ngunit dahil kilala ang suspek sa lugar, madali nitong nagawang makapasok at makalabas. Ayon sa suspek, pumunta siya roon upang kausapin ang kanyang asawa at ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan, ngunit nauwi ito sa matinding pagtatalo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Rose Dabu avatar

Rose Dabu (Editor)

Tags: