Barangay tanod sa Bohol, nasawi matapos mabagsakan ng niyog sa kasagsagan ng bagyong “Tino”

Barangay tanod sa Bohol, nasawi matapos mabagsakan ng niyog sa kasagsagan ng bagyong “Tino”

  • Isang barangay tanod sa Panglao, Bohol ang nasawi matapos mabagsakan ng puno ng niyog sa gitna ng bagyong “Tino”
  • Ang biktima ay nagsasagawa ng tree-falling operation para sa kaligtasan ng mga residente
  • Ayon sa PDRRMO, nadulas ang tanod kaya bumagsak sa kanya ang puno na pinutol nila
  • Dinala ito sa ospital ngunit idineklara nang “dead on arrival” ayon sa mga awtoridad

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Nasawi ang isang 52-anyos na barangay tanod mula sa Panglao, Bohol matapos mabagsakan ng puno ng niyog sa gitna ng pananalasa ng bagyong “Tino,” ayon sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Martes, Nobyembre 4.

Barangay tanod sa Bohol, nasawi matapos mabagsakan ng niyog sa kasagsagan ng bagyong “Tino”
Barangay tanod sa Bohol, nasawi matapos mabagsakan ng niyog sa kasagsagan ng bagyong “Tino” (📷Wikimedia Commons)
Source: Original

Ayon sa report, ang biktima ay kasalukuyang nagsasagawa ng tree-falling operations kasama ang kanyang team sa Barangay Danao upang matanggal ang mga punong maaaring bumagsak at magdulot ng panganib sa mga residente. Sa gitna ng operasyon, nadulas umano ang tanod at natamaan ng punong niyog na pinutol nila.

Read also

Coco Martin, piniling magmulat sa pelikula kaysa makibaka sa lansangan

Sa panayam ng DZMM kay Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) Head Anthony Damalerio, ipinaliwanag nito na hindi inaasahan ang insidente. Nag-tree falling operations sila kasama ng team niya. ‘Yong kahoy na pinutol niya doon, bumagsak sa kaniya, natamaan siya. Nadulas kasi ‘yong tanod, ani Damalerio.

Agad namang dinala ang biktima sa Gov. Celestino Gallares Medical Center, ngunit idineklara itong dead on arrival.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Samantala, base sa ulat ng NDRRMC, umabot na sa 17,124 pamilya o 59,918 indibidwal ang naapektuhan ng bagyo at kinailangang lumikas mula sa mga rehiyon ng Western Visayas (Region 6), Negros Island Region (NIR), Central Visayas (Region 7), Eastern Visayas (Region 8), at Caraga (Region 13).

Sa kabuuang bilang, 9,170 pamilya o 32,286 indibidwal ang kasalukuyang nananatili sa 362 evacuation centers, habang 3,300 pamilya o 10,641 katao ang pansamantalang nakatira sa labas ng mga itinakdang evacuation facilities.

Ayon naman sa Philippine Coast Guard (PCG), nasa 4,372 pasahero, 1,674 rolling cargoes, 83 vessels, at isang motorbanca ang na-stranded sa 120 ports sa gitna ng masamang panahon. Habang 921 vessels at 593 motorbanca naman ang maagang nailikas bilang bahagi ng paghahanda sa posibleng epekto ng bagyo.

Bilang tugon, pinalakas ng Office of Civil Defense (OCD) Region VI ang relief operations sa Western Visayas. Mahigit 2,000 bag ng bigas ang naiturnover sa provincial government ng Capiz sa tulong ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO).

Read also

Aiko Melendez, nagbigay komento sa mga naka-costume ng DPWH nitong Halloween

Sa national level, tiniyak ni OCD Deputy Administrator Assistant Secretary Bernardo Rafaelito Alejandro IV na nakahanda ang mga social workers, medical teams, at search and rescue units mula sa Armed Forces of the Philippines (AFP), Bureau of Fire Protection (BFP), Philippine National Police (PNP), at Philippine Coast Guard (PCG) upang magbigay ng agarang tulong sa mga apektadong lugar.

Sa kabila ng trahedya, pinuri ng mga opisyal ang kabayanihan ng tanod na nasawi sa gitna ng kanyang tungkulin. Ayon sa mga residente, kilala ito sa kanilang barangay bilang masipag at palaging nangunguna tuwing may sakuna. Para sa marami, ang kanyang pagkamatay ay paalala ng sakripisyo ng mga lokal na frontliners na tahimik na naglilingkod sa panahon ng kalamidad.

Ang bagyong “Tino” ay kasalukuyang nagpapaulan sa ilang bahagi ng Visayas at Mindanao. Nagdulot ito ng pagbaha at pag-ulan sa mga rehiyon, dahilan upang magpatupad ng preemptive evacuations. Ang NDRRMC at OCD ay patuloy na nagpapatupad ng response clusters upang masigurong natutugunan ang mga pangangailangan ng mga apektadong residente.

Vlogger, nalunod habang tumatawid sa creek sa gitna ng bagyong “Ramil” sa Capiz Isang vlogger ang nasawi matapos tangkain tumawid sa creek sa kasagsagan ng bagyong “Ramil” sa Capiz. Ayon sa mga saksi, malakas ang agos ng tubig kaya’t hindi na ito nakabalik sa pampang. Agad na nagpaabot ng paalala ang mga lokal na awtoridad na huwag nang lumabas sa kasagsagan ng bagyo para sa kaligtasan.

Read also

Bea Binene, nagbigay-linaw sa maling pagpapakilala bilang Vivamax actress

Philippine Coast Guard, nagligtas ng apat na mangingisdang napadpad sa dagat ng Bataan Nagtagumpay ang Philippine Coast Guard sa pagligtas sa apat na mangingisda na napadpad sa karagatang bahagi ng Bataan matapos masiraan ng bangka dahil sa malakas na alon. Ayon sa ulat, maayos na ang lagay ng mga mangingisda matapos bigyan ng tulong medikal at pagkain ng mga awtoridad.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Tags: