Parak na nagpa-"bring me challenge" naghanap ng pusher at user, ni-relieve sa puwesto ng PNP
- Isang pulis sa Talisay City, Cebu ang tinanggal sa puwesto matapos mag-viral ang “Bring Me Challenge” video
- Nag-alok siya ng P2,000 sa magdadala ng drug user at P5,000 sa magdadala ng drug pusher
- Nilinaw naman ng PNP na labag ito sa Police Operational Procedure at iniimbestigahan na ang insidente
- Pansamantalang inilipat sa admin post ang nasabing pulis habang nagpapatuloy ang imbestigasyon
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Source: Original
Tinanggal ng Philippine National Police (PNP) sa puwesto ang isang pulis sa Talisay City, Cebu matapos mag-viral ang kanyang video sa social media.
Sa naturang video, makikitang nagsagawa siya ng online “Bring Me Challenge” kung saan nag-aalok siya ng pera kapalit ng pagdadala ng mga hinihinalang drug user at pusher.
Ayon sa video, P2,000 ang ibinibigay sa magdadala ng drug user at P5,000 naman sa magdadala ng street-level pusher.
Sa isa pang clip, nag-aalok din umano siya ng reward sa mga magbibigay ng unregistered firearms depende sa kalibre at kondisyon nito.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Sinabi ni PNP Acting Chief Police Lieutenant General Jose Melencio Nartatez Jr. na labag sa opisyal na patakaran ng pulisya ang ginawa ng naturang opisyal.
Idinagdag ni Police Brigadier General Randulf Tuaño, tagapagsalita ng PNP, na personal account ng pulis ang ginamit sa pag-post ng mga video na agad ipinabura ng kanilang hepe.
Iniutos ng Chief PNP na magpaliwanag ang naturang pulis at ang kanyang hepe.
Bagama’t para umano ito sa personal na social media engagement, tinuligsa ng publiko ang video dahil hindi ito akma sa propesyonal na imahe ng PNP.
Hawak na ng PNP-Anti Cybercrime Group ang video para sa digital forensics at posibleng kaso laban sa pulis.
Patuloy ang imbestigasyon habang pansamantalang inilipat siya sa admin post.
Pinaalalahanan din ng PNP ang lahat ng tauhan na ang mga online content, personal man o opisyal, ay dapat sumunod sa kanilang panuntunan at magpakita ng disiplina at integridad.
Panuorin ang kanyang viral video:
Ang mga balita, larawan, o video na nakakaantig ng interes ng mga netizen ay madalas nagiging viral sa social media dahil sa atensyon na ibinibigay ng publiko. Ang ganitong mga post ay kadalasang tumatama sa emosyon ng mga netizen, at sa ilang pagkakataon, maaari rin itong mangyari sa mga karaniwang tao, na mas nagiging relatable sa marami.
Sa isang naunang ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlo ay walang-awang pinagbabaril hanggang mamatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Nakuhanan ng CCTV ang tatlong lalaki na pumasok sa kanilang tindahan, isinara ang roll-up door, at pinagbabaril ang buong pamilya. Bago tumakas, kinuha pa ng isa sa mga suspek ang isang bag at cellphone mula sa biktima. Ayon sa ulat ni Gary De Leon ng TV 5 na “Frontline Pilipinas,” nagsimulang makatanggap ng pagbabanta ang pamilya matapos nilang pautangin ng P1-M ang isang residente sa kanilang barangay, na umano’y ginamit ang pera para sa negosyo.
Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na teacher sa pampublikong paaralan sa Las Piñas City ang paulit-ulit na sinaksak ng sariling asawa. Batay sa ulat ni EJ Gomez ng “Unang Balita,” naganap ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Ayon sa mga pulis, may guwardiya ang paaralan ngunit dahil kilala ang suspek sa lugar, madali nitong nagawang makapasok at makalabas. Ayon sa suspek, pumunta siya roon upang kausapin ang kanyang asawa at ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan, ngunit nauwi ito sa matinding pagtatalo.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh


