Rider, patay matapos silang tambangan at batuhin ng grupo ng kalalakihan
- Isang 15-anyos na rider ang namatay matapos sumemplang sa Floridablanca, Pampanga
- Dalawang angkas niya ang sugatan matapos batuhin ng bote ng alak ang kanilang motorsiklo
- Ayon sa pulisya, may kinalaman sa away sa social media ang insidente
- Patuloy na hinahanap ng mga awtoridad ang mga suspek na sangkot sa pananabotahe
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Source: Original
Nasawi ang isang 15-anyos na rider, habang sugatan ang dalawa niyang angkas matapos sumemplang ang kanilang motorsiklo sa Floridablanca, Pampanga.
Base sa ulat ng GMA Regional TV News, inabangan umano sila ng grupo ng mga kalalakihan na kaalitan ng rider at binato ng bote ng alak habang dumadaan sa kalsada.
Sa video footage, makikitang may mga lalaking tila nagtatago sa gilid ng Porac-Floridablanca road sa Barangay Calantas.
Ilang sandali lang, dumaan ang motorsiklo ng mga biktima na mabilis ang takbo at biglang sumemplang matapos tamaan sa ulo ng bote ang rider.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya na nawalan ng kontrol sa manibela ang biktima matapos tamaan.
Dead on the spot ang rider, habang ang dalawa niyang kasama ay agad isinugod sa ospital.
Ayon sa mga awtoridad, nagtungo sa lugar ang mga biktima para tagpuin ang suspek na nakaaway ng rider sa social media.
Pinaniniwalaang kasabwat ng suspek ang grupong nag-abang at bumato ng bote sa kanila.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya habang hinahanap ang mga sangkot sa insidente. Hinihikayat din ng mga awtoridad ang mga saksi na makipagtulungan upang mapabilis ang pagresolba ng kaso.
Panuorin ang ulat ng GMA Inetgrated News sa 'Balitanghali,' hatid ng GMA Regional TV:
Ang mga balita, larawan, o video na nakakaantig ng interes ng mga netizen ay madalas nagiging viral sa social media dahil sa atensyon na ibinibigay ng publiko. Ang ganitong mga post ay kadalasang tumatama sa emosyon ng mga netizen, at sa ilang pagkakataon, maaari rin itong mangyari sa mga karaniwang tao, na mas nagiging relatable sa marami.
Sa isang naunang ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlo ay walang-awang pinagbabaril hanggang mamatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Nakuhanan ng CCTV ang tatlong lalaki na pumasok sa kanilang tindahan, isinara ang roll-up door, at pinagbabaril ang buong pamilya. Bago tumakas, kinuha pa ng isa sa mga suspek ang isang bag at cellphone mula sa biktima. Ayon sa ulat ni Gary De Leon ng TV 5 na “Frontline Pilipinas,” nagsimulang makatanggap ng pagbabanta ang pamilya matapos nilang pautangin ng P1-M ang isang residente sa kanilang barangay, na umano’y ginamit ang pera para sa negosyo.

Read also
8-anyos na bata patay matapos mabundol ng dump truck; 2 magpinsan nalunod sa ilog sa Quezon
Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na teacher sa pampublikong paaralan sa Las Piñas City ang paulit-ulit na sinaksak ng sariling asawa. Batay sa ulat ni EJ Gomez ng “Unang Balita,” naganap ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Ayon sa mga pulis, may guwardiya ang paaralan ngunit dahil kilala ang suspek sa lugar, madali nitong nagawang makapasok at makalabas. Ayon sa suspek, pumunta siya roon upang kausapin ang kanyang asawa at ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan, ngunit nauwi ito sa matinding pagtatalo.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh
