‘Nadala ng galit’: grinder ginamit sa madugong pagtatalo ng magkaibigang babae sa Rizal
- 70-anyos na babae natagpuang patay at duguan sa loob ng kanyang kuwarto sa Taytay, Rizal
- Suspek, 49-anyos na dating katrabaho, umamin sa krimen ngunit iginiit na self-defense
- Biktima tinamaan nang paulit-ulit ng grinder sa ulo na nagdulot ng matinding pinsala
- Suspek nahuli sa bahay ng anak sa Rodriguez, Rizal at ngayo’y nahaharap sa kasong h0micide
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Isang trahedya ang gumulantang sa Taytay, Rizal matapos matagpuang wala nang buhay ang isang 70-anyos na babae na pinaniniwalaang pinatay ng dating katrabaho gamit ang grinder. Ayon sa ulat ng Taytay Police, natagpuan ang biktimang si Rosie Mon noong madaling-araw ng Oktubre 22, 2025, sa loob ng kanyang kuwarto sa bahay ng kanyang hipag sa Barangay San Isidro.

Source: Facebook
Kinilala ang suspek bilang 49-anyos na dating co-worker ni Rosie, na dati ring nagtrabaho bilang caregiver sa kamag-anak ng hipag ng biktima. Batay sa imbestigasyon, inalok umano ni Rosie ang suspek ng trabaho bilang labandera — isang alok na tinanggap nito bago tumungo mula Rodriguez, Rizal papuntang Taytay.
Ngunit imbes na trabaho, trahedya ang humantong sa kanilang muling pagkikita.
Sa salaysay ng suspek, nagkaroon umano sila ng mainit na pagtatalo matapos siyang sabihan ng biktima ng masasakit na salita laban sa kanyang pamilya. Sa bugso ng emosyon, nauwi raw ito sa pisikal na komprontasyon. Ayon sa pulisya, ginamit ng suspek ang electric grinder at ilang ulit na pinalo ang ulo ng matanda, na nagdulot ng matinding pinsala at pagdurugo.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Base sa report, walong beses tinamaan ng grinder si Rosie, dahilan ng kanyang agarang pagkamatay dahil sa hemorrhagic shock.
Nahuli kalaunan ang suspek sa bahay ng kanyang anak sa Barangay San Jose, Rodriguez, Rizal. Sa harap ng mga awtoridad, inamin nito ang ginawa ngunit iginiit na self-defense ang kanyang motibo.
“Pinalo po ako sa tuhod ng kahoy kaya po ako’y panay pasa. Tumalikod po ako, pagkaharap ko nagulat po ako may hawak-hawak siyang grinder, ‘yun po naagaw ko sakanya. Sakanya ko na po naipukpok, hindi ko na po mabilang. Parang nawala na rin po ako sa sarili ko nun,” paliwanag ng suspek sa pulisya.

Read also
Pasaherong lalaki, patay matapos saksakin ng lalaking umano’y may sakit sa pag-iisip sa bus
Samantala, ayon sa pamilya, mahigit 19 taon nang nagsilbi bilang kasambahay si Rosie at kilala sa kanilang komunidad bilang masipag at mabait. Kasalukuyan siyang nakaburol sa isang chapel sa Taytay habang inaasikaso ng pamilya ang mga legal na hakbang laban sa suspek.
Sa ilalim ng Revised Penal Code, ang suspek ay maaaring maharap sa kasong h0micide. Kung mapatunayang hindi siya kumilos sa ilalim ng tunay na self-defense, maaari siyang makulong ng hanggang 20 taon o higit pa depende sa bigat ng ebidensyang isusumite ng mga imbestigador. Maaari ring isaalang-alang ng korte ang mitigating circumstances gaya ng uncontrollable impulse o temporary insanity, ngunit kailangang mapatunayan ito sa korte.
Sa isang kahalintulad na kaso ng karahasan, tatlong babae kabilang ang isang menor de edad ang tinorture hanggang mamatay habang naka-livestream sa social media. Ayon sa ulat ng Kami.com.ph, ipinakita sa video ang matinding pananakit sa mga biktima bago sila tuluyang mawalan ng buhay. Ang insidenteng ito ay nagdulot ng galit online at panawagan para sa mas mahigpit na batas laban sa torture at domestic violence.
Samantala, isa pang nakakagimbal na balita ang lumabas kamakailan nang matagpuan ang isang nawawalang lalaki sa loob ng drum sa Maguindanao del Sur. Ayon sa parehong news outlet, natagpuan ang bangkay matapos ang ilang araw na paghahanap ng pamilya. Patuloy pa ring iniimbestigahan ang motibo at mga taong posibleng may kinalaman sa karumal-dumal na krimen.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh
