Dating caregiver, arestado sa brutal na pagpatay sa 70 anyos na babae sa Taytay
- Patay ang isang 70 anyos na babae matapos mapukpok ng electric grinder sa loob ng sariling bahay sa Taytay, Rizal
- Ang suspek ay dating caregiver ng biktima at naaresto sa Rodriguez, Rizal
- Nag-ugat umano ang krimen sa hindi nabayarang utang ng suspek sa biktima
- Patuloy ang imbestigasyon ng Taytay Police upang makumpleto ang kaso laban sa salarin
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Trahedya ang bumalot sa Barangay San Isidro, Taytay, Rizal matapos matagpuang wala nang buhay at duguan ang isang 70 anyos na babae sa loob ng kanyang silid.

Source: UGC
Ayon sa ulat ng mga awtoridad, natagpuan ang biktima sa loob ng tahanang tinitirhan nito, taglay ang malubhang pinsala sa ulo.
Agad namang nagsagawa ng follow-up operation ang Taytay Police na nagresulta sa pagkakaaresto ng 45 anyos na babaeng suspek sa Rodriguez, Rizal.
Lumabas sa imbestigasyon na dating caregiver ng biktima ang nasabing babae at matagal nang kilala ng pamilya ng matanda.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Batay sa mga paunang pahayag ng pulisya, napag-alaman na may utang umano ang suspek sa biktima.
Dahil dito, nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng dalawa na nauwi sa karahasan.
Pinukpok umano ng suspek ng electric grinder ang ulo ng biktima, dahilan ng agarang pagkamatay nito.
Matapos ang krimen, tumakas ang suspek ngunit kalauna’y natunton at naaresto ng mga operatiba sa Rodriguez.
Inihahanda na ngayon ng mga awtoridad ang kasong isasampa laban sa kanya, kabilang ang murder.
Patuloy namang pinoproseso ng pulisya ang karagdagang ebidensya at testimonya upang masiguro ang matibay na kaso laban sa salarin.
Samantala, nananatiling labis na nagdadalamhati ang mga kaanak ng biktima na ngayo’y nananawagan ng hustisya para sa kanilang mahal sa buhay.
News, photos, or videos that arouse the interest of netizens would often go viral on social media, due to the attention netizens give them. These viral posts appeal to the emotions of netizens, and in rare cases, this could also happen to ordinary people, making them very relatable to one's daily life. These stories are among those that people would be able to learn from every day, and apply them in their own lives. Crimes that happen to ordinary people are also those that many give attention to.

Read also
Pasaherong lalaki, patay matapos saksakin ng lalaking umano’y may sakit sa pag-iisip sa bus
In other news, a 47-year-old woman was arrested in Quezon City on four separate warrants for Estafa (fraud) and violation of the Anti-Bouncing Check Law. Her alleged modus operandi involved purchasing millions of pesos worth of high-value goods, including jewelry and meat products, using worthless post-dated checks. One businessman claimed a loss of over P12 million, while another was allegedly swindled out of more than P17 million. The suspect is currently detained as authorities encourage other victims to file additional complaints to strengthen the case.
Still in other news, the Ombudsman directed the NBI and BFP to investigate the DPWH building fire in Quezon City. DPWH confirmed that no documents related to flood control anomaly investigations were affected. The fire reportedly started from a computer explosion inside the Bureau of Research and Standards. No employees were injured, and officials are assessing the extent of the damage.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh
