DPWH office nasunog, pero walang nasirang dokumento kaugnay ng flood control probe

DPWH office nasunog, pero walang nasirang dokumento kaugnay ng flood control probe

  • Nagkaroon ng sunog sa tanggapan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Quezon City nitong Miyerkules
  • Walang nasirang dokumento kaugnay ng isinasagawang imbestigasyon sa flood control anomalies ayon sa DPWH
  • Ombudsman Jesus Crispin Remulla, nagpapa-imbestiga sa NBI at BFP kung sinadya ang insidente o aksidente
  • Ayon sa ulat, nagsimula ang sunog matapos pumutok ang isang computer unit sa Materials Testing Division

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Nag-ugat ng pangamba sa publiko at sa mga opisyal ng pamahalaan ang sunog sa tanggapan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Quezon City nitong Miyerkules, lalo na’t kasalukuyan itong iniimbestigahan kaugnay ng umano’y anomalya sa mga flood control projects.

DPWH office nasunog, pero walang nasirang dokumento kaugnay ng flood control probe
DPWH office nasunog, pero walang nasirang dokumento kaugnay ng flood control probe (📷Dianne Naval via GMA News)
Source: Facebook

Ayon sa paunang ulat, nagsimula ang apoy matapos pumutok ang isang computer unit sa Materials Testing Division ng Bureau of Research and Standards (BRS) building, na sakop ng DPWH. Agad rumesponde ang mga bumbero at naapula ang apoy bago pa ito kumalat sa ibang bahagi ng gusali. Ilang empleyado ang nagtamo ng bahagyang sugat habang nagtangkang iligtas ang mga kagamitan at dokumento.

Read also

QC Prosecutor’s Office, ibinasura ang estafa case ng GMA laban sa TAPE officials

Bagama’t mabilis na na-kontrol ang insidente, nagdulot ito ng pag-aalala kay Ombudsman Jesus Crispin Remulla, lalo na’t ang ahensya ay kasalukuyang iniimbestigahan dahil sa umano’y iregularidad sa flood control projects.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

“It was disturbing how an agency under investigation would be hit by fire,” ani Remulla, na agad nag-utos sa National Bureau of Investigation (NBI) at Bureau of Fire Protection (BFP) upang alamin kung sinadya ang insidente.

I am asking the NBI and the BFP to check if there’s arson, kung sadyang sinunog o aksidente. Madali naman malaman kung arson, pero hopefully, natural cause ‘yan. I’m sure that there are backup documents. It is a working day so people were able to save their computers, which contain the information,” dagdag pa ng Ombudsman.

Ayon sa opisyal na pahayag ng DPWH, walang nasirang dokumento kaugnay ng imbestigasyon. “The DPWH confirms that no documents related to the ongoing investigation into the flood control anomalies were in the BRS building that caught fire,” ayon sa ahensya.

Pinaliwanag ng DPWH na lahat ng dokumentong may kaugnayan sa flood control project probe ay nakatago sa ibang tanggapan at may digital backups, kaya’t walang kailangang ipangamba ang publiko. Patuloy namang isinasagawa ang imbestigasyon upang alamin ang pinagmulan ng sunog.

Read also

Dalawang OFW na nawawala sa Hong Kong, natagpuan na at nsa maayos na kalagayan

Ang Bureau of Research and Standards (BRS) ay isa sa mga sangay ng DPWH na responsable sa pagsusuri ng construction materials at standards compliance. Sa gitna ng imbestigasyon ng Ombudsman sa mga flood control projects, naglabas kamakailan ng direktiba si Remulla upang palakasin ang transparency at accountability sa ahensya. Kaya’t ang pagkakasunog ng isang tanggapan sa gitna ng imbestigasyon ay nagdulot ng suspetsa ng ilan sa posibleng pagtatakip sa ebidensya, bagay na agad itinanggi ng DPWH.

Kaugnay na Balita

Kamakailan lamang, iniulat ng Kami.com.ph na nagsampa ng graft complaint si DPWH Secretary Vince Dizon laban sa 20 opisyal ng DPWH at apat na kontratista na sangkot umano sa maanomalyang flood control projects. Ayon sa ulat, layunin ng hakbang na ito na linisin ang ahensya mula sa korapsyon at ipakita ang determinasyon ng pamunuan sa reporma. Basahin ang buong ulat dito.

Read also

Babaeng notoryus sa pagnanakaw, nahuli sa Sampaloc habang nagsusugal

Sa isa pang artikulo ng Kami.com.ph, iniulat na iniutos mismo ni Ombudsman Remulla ang isang malalim na imbestigasyon sa nasabing sunog sa DPWH Quezon City. Ayon sa ulat, layon ng Ombudsman na tiyaking walang naganap na pagtatago ng ebidensya sa gitna ng flood control anomaly probe. Basahin ang buong ulat dito.

Ang dalawang magkakaugnay na pangyayaring ito ay nagpapakita ng lumalalim na pagsisiyasat sa DPWH sa gitna ng mga alegasyon ng katiwalian. Habang umaasa ang publiko na mabigyang-linaw ang sanhi ng sunog, muling nananawagan ang mga tagasuporta ng transparency na ipagpatuloy ang reporma at tiyaking hindi masisira ang tiwala ng publiko sa ahensya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate