Batang babae sa Pampanga, kritikal matapos umanong gahasain at bugbugin ng 20-anyos na lalaki
- Isang 8-anyos na batang babae ang nasa kritikal na kondisyon matapos umanong gahasain at bugbugin sa Mabalacat City, Pampanga
- Natagpuan ang bata na halos walang malay at may mga sugat sa ulo malapit sa North Luzon Expressway
- Arestado ang 20-anyos na suspek na umamin umanong dinala ang bata sa lugar ng krimen
- Nahaharap ang suspek sa kasong statutory r4pe with frustrated murder sa ilalim ng Anti-ChildAbuse Law
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Matinding galit at pagkabigla ang naramdaman ng mga residente ng Barangay Sapang Biabas, Mabalacat City, Pampanga, matapos matagpuan ang isang 8-anyos na batang babae na halos walang malay, walang saplot, at may mga sugat sa ulo sa gilid ng North Luzon Expressway (NLEX) nitong Linggo, Oktubre 19, 2025.

Source: Facebook
Kinilala ng mga pulis ang biktima sa alyas na “Amy,” isang Grade 2 student na naiulat na nawawala matapos hindi na makabalik mula sa isang pisonet shop kung saan nagtatrabaho ang kanyang nakatatandang kapatid. Sa CCTV footage, nakita ang bata na nilapitan ng isang lalaki, tinapik sa balikat, at sabay na umalis.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Kinabukasan, matapos ang walang tigil na paghahanap ng kanyang ina, natagpuan si “Amy” sa isang damuhan malapit sa expressway. “Nagtanong ang barangay kung may nakita po silang bata doon sa NLEX at positive, at dinala na po sa ina dahil wala na po itong saplot. Talagang critical… halos hindi po niya maimulat ang kanyang mga mata kasi allegedly ito nga po ay pinagpupokpok ng bato at iniuntog ang ulo [ng biktima sa pader],” pahayag ni WCPD Chief PCapt. Catherine Maizo.
Dinala agad ang bata sa Ospital Ning Angeles at kalaunan ay inilipat sa mas malaking ospital dahil sa matinding pinsala sa ulo. Ayon sa mga doktor, nananatiling delikado ang kondisyon ng bata habang patuloy ang gamutan.
Agad namang inaresto ang 20-anyos na suspek, na isa umanong helper at residente rin ng parehong barangay. Sa paunang imbestigasyon, inamin umano ng lalaki na dinala niya ang bata sa NLEX area, bagaman hindi pa malinaw ang kabuuang detalye ng nangyari. Kakaharapin ng suspek ang kasong statutory r4pe with frustrated murder sa ilalim ng Republic Act 7610 o Anti-ChildAbuse Law.
Ayon sa mga residente, kilala umano ng bata ang suspek kaya’t malaki ang posibilidad na pinagkatiwalaan ito bago ang insidente. Sa kasalukuyan, tahimik ang pamilya ng biktima habang hinihintay ang resulta ng mga pagsusuri at desisyon ng korte.
Ang Barangay Sapang Biabas ay isang mataong komunidad na madalas daanan ng mga motorista papasok ng NLEX. Kilala ito sa mga informal settlements at masikip na residential areas — dahilan kung bakit madalas maging hamon ang seguridad sa mga bata. Ang insidenteng ito ay isa lamang sa mga serye ng mga kaso ng childabuse at karahasan na umalingawngaw sa bansa nitong mga nakaraang buwan.
Sa isang hiwalay na kaso, inaresto ang ama at madrasta ng isang pitong taong gulang na bata sa Pangasinan matapos umano itong maging biktima ng matinding pambubugbog at pang-aabuso. Ayon sa ulat ng Kami.com.ph, napag-alamang may mga sugat at pasa sa katawan ng bata at isinasailalim ito ngayon sa kustodiya ng DSWD. Basahin ang buong ulat dito.
Samantala, sa isa pang kaso ng karahasan laban sa kabataan, iniulat ng Kami.com.ph na ang bangkay ng isang batang babae na natagpuan sa dalampasigan ay kinilalang sariling anak ng suspek. Sa ulat, inamin umano ng ama ang pagkakasangkot sa krimen, na nagdulot ng matinding galit sa publiko at sa lokal na pamahalaan. Basahin ang buong detalye dito.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh